Saturday , November 23 2024
Yayo Aguila Padyak Princess

Yayo naiyak habang pinag-uusapan ang pamilya

RATED R
ni Rommel Gonzales

IYAKIN si Yayo Aguila kapag tungkol sa pamilya ang involved.

“Alam mo madalas akong umiyak kasi ‘pag kasama ko ‘yung mga bata, ‘yung mga anak ko kasi eh buskador, ‘yung alam nila kung paano ma-press ‘yung button ko.

“Basta ‘pag pinag-uusapan ‘yung kaming mag-iina, naiiyak ako, basta pamilya. Kahit na wala na kaming problema, as a whole kaming lima, apat kong anak at ako, naiiyak ako.

“Kasi para sa akin very ano, core ko kasi ‘yung pamilya.”

At habang kausap namin si Yayo, iyon na, kusang tumulo ang luha ni Yayo.

“So ‘pag napag-uusapan basta sila, napu-push ‘yung button ko.

“Nakakainis kasi kayo!

“Buti na lang kaibigan ko kayo,” buwelta sa amin ni Yayo dahil pinaiyak namin siya.

Sa Padyak Princess ng TV5 ay isang single mother, si Selma, si Yayo.

Sa tunay na buhay, relate si Yayo sa kanyang papel.

“Ano, sa akin, madali lang, hindi ko kailangan humugot. Kasi parang sa akin normal na, iyon na ‘yung naging norm ko for the past 16 years.

“I’m a single mom, 16 years.

“So ‘yung character ko rito bilang single mom at bilang si Selma na tatlo ang anak ko, parang normal lang? 

“Na ‘yung, feeling ko kasi hindi ako umaarte, ‘pag kasama ko ‘yung tatlong anak ko rito, si Miles, silang tatlo, parang normal lang,” saad pa ni Yayo.

Gumaganap na mga anak ni Yayo sa serye si Miles Ocampo, na bida sa serye, at   sina David Remo at Miel Espinoza.

Pagpapatuloy pang kuwento ni Yayo,, “Kaya lang na-realize ko lang may kurot siya.

“Kasi naaalala ko kailan lang, ‘yung recent taping ko, ‘yung eksena namin, kasi may nangyari kay Selma rito, parang nagri-reading pa lang kami hanggang nag-take kami, tumutulo ‘yung luha ko!.

“Nagsalita si direk, sabi niya, ‘Hindi ko kailangang umiyak ka, dapat normal na saya.’

“Sabi ko, ‘Direk hindi ako…  tumutulo lang ng kusa, hindi ko siya sinasadya, hindi ako umaarte.’

“Hindi ko siya mapigilan, tumutulo lang, hindi ko nga alam kung bakit, eh. Pero okay naman, masaya naman ang buhay, ‘di ba?

“Ganoon eh, kailangan lang talagang mag-move on at kailangan tuloy-tuloy lang.”

Sa direksiyon ni Easy Ferrer at mapapanood tuwing 11:15 a.m. bago ang Eat Bulaga! sa TV5 (at sa BuKo channel 7:30 pm), kasama rin sina Ara Mina, Christian Vasquez, at Cris Villanueva.

Ano ang aral na matutututunan ng mga manonood mula kay Selma?

“Sa akin ‘yung kung paano mo ipaglalaban ‘yung pamilya mo.

“‘Yung kung paano ka magiging matatag, kung kulang na kayo.

“Iyon kasi ‘yung istorya ng pamilya Nieva, kaya si Princess [Miles] kaya naging Padyak Princess kasi kinailangan niyang tulungan ako, para itaguyod ‘yung pamilya habang wala ako.

“Nawala ako so ‘yung mga anak ko tumayo sa sarili nilang mga paa.

“Pero hindi naman doon nagtatapos kasi babalik din naman ako sa kanila.

“Doon ulit mag-uumpisa ‘yung journey namin,” wika pa ni Yayo.

About Rommel Gonzales

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …