Thursday , April 24 2025
Eddys SPEEd ALLTV

7th EDDYS mapapanood sa ALLTV ng AMBS sa July 14

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAABANGAN na ngayon pa lang ang 7th The EDDYS Entertainment Editors’ Choice, na mapapanood sa ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System.

Tiyak na mas maningning ang ika-7 edisyon ng The EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa  July 7, sa Marriott Grand Ballroom Ceremonial Hall ng Newport World Resorts sa Pasay City. 

Ang kabuuan ng Gabi ng Parangal ay magkakaroon ng delayed telecast sa ALLTV, isang Philippine free-to-air broadcast television network ng AMBS,

sa July 14, 10:00 p.m.

Ayon kay Maribeth Tolentino, AMBS president, isang maganda at makabuluhang partnership ito kasama ang SPEEd, sa paghahatid nila ng iba’t ibang klase ng entertainment and public affairs shows sa mga Filipino viewer.

“ALLTV is optimistic about this tie-up. We are happy for the trust given to us by SPEEd, which compromises many of the best editors and writers from the entertainment industry.  

“We look forward to a fruitful endeavor with only the best as we join in recognizing talented actors, producers and those in the industry,” ani Tolentino.

Ang 7th The EDDYS ay muling ididirehe ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Siya rin ang nagdirehe sa ika-6 na edisyon ng The EDDYS nitong nagdaang taon.

Ang Brightlight Productions naman ang magsisilbing line producer ng awards night sa July 7, 2024.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts, ALLTV at Sound Check, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon  ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche TanUnilab, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, at ang Echo Jam.

Nagsimula noong 2015, ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

May 14 acting at technical awards na ipamimigay ang The EDDYS ngayong taon kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Visual Effects, Best Musical Score, Best Production Design, Best Sound, Best Editing, at Best Original Theme Song.

Bukod dito, ipagkakaloob din sa mga karapat-dapat na personalidad ang ilang special awards tulad ng Joe Quirino Award, Manny Pichel Award, Producer of the Year, Rising Producer Circle Award, ICONS AWARD, at posthumous honorees. 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.’

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

CinePoP Lover Boy Christian Albert Xian Gaza Joni McNab

Sa CinePOP walang nabibitin,  isang POP tuloy-tuloy ang sarap

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AYAW natinang eksenang gigil na gigil ka na, pero biglang …

Nora Aunor Bongbong Marcos Erap Estrada

PBBM, Erap dumating sa huling gabi ng lamay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ng napakaraming kaibigan, fans, pamilya, at kasamahan ang huling gabi …

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Nora naihatid na sa huling hantungan, ginawaran ng Pagpupugay Ng Bayan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PUNOMPUNO at dinaluhan ng mga kaibigan, fans, kapwa national artists, at …

Hiro Magalona Nora Aunor

Hiro Magalona nalungkot na ‘di nasampal ni Ate Guy

MATABILni John Fontanilla NALUNGKOT ang aktor na si Hiro Magalona sa pagpanaw ng  nag-iisang Superstar Nora Aunor. Isa …

Pilita Corrales Pope Francis Nora Aunor Hajji Alejandro

Panalangin sa walang hanggang kapayapaan kina Pope Francis, Nora, Hajji 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang kalungkutang nadarama sa showbiz. Una si Pilita Coralles na hindi pa …