Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin kakaiba ang na-experience nang makatrabaho si Kira

RATED R
ni Rommel Gonzales

REFRESHING mapanood sa isang pelikula na magkapareha ang isang Kapuso at isang Kapamilya.

At iyan ang nangyari sa Chances Are, You and I nina Kelvin Miranda at Kira Balinger.

Refreshing din ang salitang ginamit ni Kelvin sa tanong namin kung ano ang pakiramdam na makapareha o makatrabaho ang isang artista na nasa kabilang TV station, lalo pa nga at mahigpit na magkalaban ang GMA at ang ABS-CBN. Nang gawin nila ang pelikula ay hindi pa nangyayari ang mga collaboration projects ng GMA at ABS-CBN.

Very refreshing siya,” saad ni Kelvin.

Kasi alam naman po natin before mataas ‘yung network war, ‘di ba, pero ngayon nagkakaroon na ng pagkakataon na mag-collab, magkatrabaho ‘yung artista sa kabila at saka ‘yung artista sa kabila, ‘yung mga ganito.

“Sa akin po kasi noong nangyari ‘yun parang iba ‘yung pakiramdam dahil, ‘Ano kaya ‘yung nakasanayan niya roon sa kabila?’

“At nakasanayan ko rito sa bahay namin, na puwede naming pagtulungan para mapaganda ‘yung pelikula.

“Which is kaya siya refreshing kasi may mga, alam niyo ‘yun, the way makitungo sa tao, the way magtrabaho. 

“Makikita natin doon ‘yung, kasi ang dami halos lahat nakatrabaho sa kabila pero… wala namang masamang nangyayari, pero naging refreshing siya.

“Kasi, ‘Ah ganito pala siya magtrabaho’, ‘Ah ganito pala sila, ganito sila, kasi ganito ‘yung nakasanayan nila.’

“Ganoon ko siya nakikita, hindi ko ma-explain nang husto, pero refreshing talaga.

“Kasi alam mo ‘yun, una, ang question is magwo-work ba? Kakagatin kaya ng masa?

Or marami bang maiinis or magagalit? Ang dami, ang daming tanong pero base roon sa naging resulta noong nagawa namin, is palagay ko naman magugustuhan niyo ‘yung pelikula.”

Sa direksiyon ni Catherine ‘CC’ O. Camarillo at sa produksiyon ng Pocket Media Productions, Inc at Happy infinite Productions at released at distributed ng Regal Entertainment, Inc., tampok din sa pelikula sina Tart Carlos, Jin Ho Bae, Anne Feo, Gian Magdangal, at Al Tantay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …