Monday , May 12 2025
The EDDYS

7th EDDYS sa July 7 na; delayed telecast sa ALLTV sa July 14

MAS maningning at kaabang-abang ang The 7th EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024.

Ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ay gaganapin sa  July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City. 

Mapapanood naman ang delayed telecast ng idaraos na Gabi ng Parangal sa ALLTV sa darating na July 14, 10;00 p.m..

Ito’y muling ididirehe ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Siya rin ang nagdirehe sa ika-6 edisyon ng The EDDYS nitong nagdaang taon.

Ang Brightlight Productions ang magsisilbing line producer ng awards night.  

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts, ALLTV at Sound Check, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche TanUnilab, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, at ang Echo Jam.

Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2023.

Tulad sa mga nakaraang taon, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry. 

Una na nga riyan ang posthumous award para sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas para sa natatangi niyang kontribusyon sa Philippine movie industry.

Ang Movie Icon Awards naman ngayong 2024 ay ibibigay kina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren, at Gina Alajar bilang pagkilala sa hindi matatawarang pagmamahal, dedikasyon, at patuloy na paglaban para mas maiangat pa ang kalidad ng bawat pelikulang Filipino.

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).

Pararangalan din sa awards night ang Rising Producer of the Year. 

Bilang pagkilala naman sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, isang special award din ang ibibigay sa gabi ng parangal – ang The EDDYS Box Office Heroes.

Igagawad ang Box Office Hero award kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo, at Piolo Pascual.

Ang annual event na ito ay mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals sa Pilipinas sa pangunguna ng presidente na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …