Sunday , December 22 2024
Alfred Vargas Pieta FAMAS

Pieta ipalalabas exclusively sa SM cinemas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa mapapanood sa anumang streaming platform ang pelikulang pinagbibidahan nina Alfred Vargas, Gina Alajar, Jaclyn Jose, at Nora Aunor, ang Pieta. Bagkus ipalalabas ito exclusively sa mga SM cinema.

Ito ang iginiit ni Alfred sa kanyang thanksgiving lunch noong Huwebes sa SuperSam, QC.

We will tour the movie through exclusive screenings. As of now, we have fully booked screenings across the country. In one of the screenings, Nora Aunor will be there,” pagbabalita ni Alfred.

“Late June talaga ang special screening with Ate Guy. Tribute rin ito sa pagiging artist niya. July onwards start na ng tour for ‘Pieta’,” sabi pa ni Konsi Alfred.

Samantala, iginiit pa ni Alfred na ang pagkapanalo niya kamakailan sa FAMAS bilang best actor ay dahil kina Nora, Jaclyn, at Gina

Aniya, nabigyan niya ng hustisya ang karakter na ginagampanan sa Pieta dahil sa paggabay at suporta sa kanya ni Nora. 

Malaki rin ng nagawa sa kanga nina Gina at Jaclyn na mga mga award-winning actress.

Nasabi ni Alfred na marami siyang natutunan sa mga aktres habang ginagawa ang Pieta.

Nakahahawa raw kasi ang galing ng mga premyadong aktres sa akting.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …