Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gretchen, tinukoy na si Claudine ang basher niya

DIRETSAHAN na namang sinabi ni Gretchen Barretto na naniniwala siya na ang basher niya sa mga social networking sites ay ang kanya mismong kapatid na si Claudine, na gumagamit lamang ng iba’t ibang pangalan. Iyang sinasabing iyan ni Gretchen ay totoong nangyayari naman sa mga social networking sites.

Nangyari rin sa amin iyan, may isang alagad ng kadiliman na nakapasok sa aming social networking site, kung ano-anong masama ang pinagsasabi. Tapos ang dami na nila. Noong ipa-block namin ang computer source nawalang lahat. Iisang tao lang pala iyon na gumawa lang ng maraming account. Akala ko pa nga noong una nadagdagan na iyong pitong taong ganap ng naglaho.

Talagang nangyayari iyan kung may gustong mang-inis sa inyo, makagagawa ng multiple accounts. Tungkol naman sa bintang ni Gretchen na si Claudine nga ang basher niya, posible rin iyon dahil galit nga sa kanya, dahil siya ang nagpipilit na ipa-rehab iyon kahit noong araw pa. Kung sa tindi nga ng galit niyon hindi ba sinabi rin sa affidavit ng mga testigo na pinaghahampas niya ang Porsche ni Raymart Santiago, iyon pa bang mang-bash ang hindi niya magagawa? Iyon nga palang statement na iyon, na siya ang sumira sa kotse ni Raymart hindi niya sinagot iyon, at silent din doon ang kanyang abogadong si Ferdinand Topacio na spokesperson din pala hanggang ngayon ni dating first gentleman Mike Arroyo.

Palagay namin kung ganyan na ang takbo ng mga usapan, magtatagal ang gulo ng pamilyang iyan. Pero nagkakaisa ng sinasabi sina Gretchen, Marjorie, at Jayjay, na hindi naman nila itinatakwil ang kapatid nilang si Claudine, ang gusto lang nila ay maipagamot na iyon at nang makapagsimula ng panibagong buhay. Pero hanggang in denial nga si Claudine, at in denial din ang kanyang mga magulang sa tunay niyang kalagayan, paano nga makapagsisimula iyon ng panibagong buhay. In the end ang mas kawawa riyan ay si Claudine.

Kasi siguro iniisip nila, masisira ang kredibilidad ni Claudine. Ngayon nga wala na siyang projects. Wala na rin siyang commercial endorsements. Definitely jobless na siya. Kung hindi pa siya magpapagamot, lalo na. Ngayon may kakampi pa siya dahil buhay pa ang mga magulang niya. Paano kung wala na ang mga magulang niya, at mas may edad na siya, at saka pa siya magpapagamot? Iyon lang naman ang sinasabi ng mga kapatid niya at sa palagay namin maganda ang intentions nila.
Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …