Sunday , December 22 2024
NLEX traffic

Pagtaas ng singil sa NLEX inangalan ng kongresista

MARIING tinutulan ng isang militanteng kongresista ang pagtaas ng singil sa toll ng North Luzon Expressway (NLEx) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng serbisyo at pangunahing bilihin.

Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas dagdag na pabigat ang pagtaas ng toll sa NLEx.

“Any toll hike approved by the Toll Regulatory Board is adding salt to injury as it will eventually jack up bus fares, prices of agricultural produce, and basic goods from the provinces transported through NLEx,” ani Brosas.

               Ayon sa NLEx Corp., inaprobahan ng Toll Regulatory Board ang dagdag singil batay sa mga petisyon nito noong 2018 at 2020.

Sa ilalim ng bagong rates madaragdagan ng P27 ang singil mula Balintawak, C3, at Mindanao Avenue hangang Mabalacat City para sa mga pribadong sasakyan. P68 sa mga bus at P81 sa mga truck.

“A gradual increase does not lessen the impact. It comes at a time when prices of basic utilities and services are already soaring,” paliwanag ni Brosas. “It’s like slowly suffocating consumers as traders will inevitably pass on these additional costs.”

               Giit ng kongresista, tataas ang gastos sa transportasyon ng mga paninda na ipapataw sa mga konsumidores.

“A toll increase, even if gradual, will still burden the riding public who are already struggling with soaring prices. This decision reflects the government’s rejection of its responsibility to provide affordable services, showing a disregard for the plight of ordinary Filipinos. We will file a resolution to investigate the basis of this toll hike,” ayon kay Brosas. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …