Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Carla Abellana Jeric Gonzales

Bea at Carla pasabog sa bagong serye ng GMA; Jeric kinakiligan sa Muntinlupa

RATED R
ni Rommel Gonzales

PASABOG ang Widows’ War dahil sa main cast nito. Pinagsama sa upcoming serye ng GMA sina Bea Alonzo at Carla Abellana na tulad ng alam nating lahat ay kapwa may pinagdaanang hiwalayan sa kani-kanilang relasyon.

Naghiwalay ang ikakasal na sanang sina Bea at Dominic Roque samantalang ilang taon na ring hiwalay sina Carla at Tom Rodriguez.

At kamakailan ay nag-post si Bea ng maigsing behind-the-scene video ng taping nila para sa nalalapit nang ipalabas na mystery-thriller series.

Sa Instagram post ni Bea, nag-post siya ng reel na makikita siya at si Carla sa location ng taping nila, pati na rin ang ilan pa nilang co-star sa serye na sina Rita Daniela at Jeric Gonzales.

Speaking of Jeric, marami ang humanga sa hunky Kapuso actor dahil sa kabaitan nito sa mga taga-Muntinlupa City kamakailan.

Bago sumalang para haranahin ang mga participant ng Gawad Ulirang Ina 2024 sa event ay nagpapabili si Jeric ng mga bulaklak dahil nais nitong abutan ang mga ina  habang kumakanta.

Although hindi na kinailangan na magpabili dahil may nakahanda namang bouquet of flowers sa event.

Ang naturang event nga pala ay pinangunahan nina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at Mrs. Trina Biazon.

Isa pang hinangaan kay Jeric, nang mahilingan ng isang pang kanta ay agad nagpaunlak ang binata.

Guwapo, maganda ang boses, mabait at maginoo, sino ba naman ang hindi kikiligin kay Jeric.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …