Monday , December 23 2024
Bagong CAA-C Health Center binuksan na ng Las Piñas LGU

Bagong CAA-C Health Center binuksan na ng Las Piñas LGU

BINUKSAN na ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ni Vice Mayor April Aguilar ang bagong CAA-C Health Center sa Barangay BF International CAA bilang pagpapahusay sa pangangalaga ng kalusugan ng mga residente.

Ang inagurasyon ng bagong health center ay pinangunahan ni VM Aguilar kasama si City Health Office OIC Dr. Juliana Gonzalez.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng health center ang komprehensibo at libreng mga serbisyo sa infant at child immunization, medical consultations, at dental services gaya ng tooth extractions, fluoride treatments, at free dentures o pustiso.

Nagkakaloob din ng pre-natal at post-partum care, tuberculosis diagnosis and treatment, adolescent mental health, at teenage pregnancy counseling.

Makukuha ang iba pang serbisyo katulad ng STI/HIV screening, management of lifestyle-related diseases kabilang ang hypertension, diabetes, at cancer, mayroon din cervical screening, nutrition assessment at counseling.

Magsisilbi ang health center sa pagtutok sa pangangalaga sa mga Green Card o Las Piñas City Health Program (LPCHP) holders at magbibigay ng referrals para sa diagnostic laboratory services.

Ang opisyal na pagbubukas ng CAA-C Health Center ay mahalagang hakbang sa pagtugon sa kinakailangang pangangalaga sa kalusugan ng mga residente upang tiyakin na madali nilang makukuha ang mahahalagang serbisyong medikal na handog ng lokal na pamahalaan. (EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …