Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y masasabing nakaluluwag-luwag na. Dagdag pa na kahit saan siya magpunta, talaga namang pinagkakaguluhan siya.

Nasaksihan namin ito sa katatapos na Vape festival ng Shift and Chillax na ginanap sa Metrowalk, Pasig City kung paanong pagkaguluhan at dami ng mga nagpapa-picture sa kanya.

Dagdag pa na isa siya sa kinuhang endorser ng Shift and Chillax at lumalabas na rin sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

At sa naobserbahan namin pinagbibigyang lahat ni Diwata ang lumalapit sa kanya para magpa-picture at mag-interview. At naiintindihan namin ang inirason nito ukol sa mga pumupuna sa kanya na nagbago o lumaki na ang ulo.

Siyempre iniintindi ko ang paresan ko, andoon ako para magtrabaho. Kung uunahin ko ‘yung mga nagpapa-picture paano na ang paresan ko? Paano na ang mga taong umaasa rin sa akin,” nakatwirang rason ni Diwata.

At lalong magiging abala si Diwata ngayon dahil noong Linggo, binuksan ang isa pa niyang paresan sa Visayas Ave, Quezon City. 

Aniya, lahat ng kinikita niya ngayon ay inilalagay niya sa magandang bagay at hindi niya iniisip mag-dyowa.

Actually, ang love life ko ngayon, ang lalaki ko ngayon, parang ano lang, tikim-tikim lang muna. Ayoko munang seryosohin ang relationship. Alam n’yo kung bakit? Kasi iniisip ko, baka mamaya, kapag nagdyowa ako ng 2 or 3, bukas, wala akong puhunan, maubos.

“So, feeling ko, habang nagtitinda ako, nagbi-business ako muna, mag-iipon muna ako. Kasi feeling ko, kapag marami ka nang pera, mas marami ka pang lalaki, ‘di ba?” aniya.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat si Diwata sa pagkakakuha sa kanya bilang miyembro na ng Shift and Chillax vape family.

Ang Shift and Chillax ay ang dalawa sa leading vape brands sa ating bansa na nag-collaborate via the first-ever VapeFest sa Pasig City.

Bukod kay Diwata dumalo rin ang ibang top social media influencers sa pangunguna nina Rosmar, Boss Toyo, Ava Mendez, Bogart at 50+ more influencers.

Bongga ang naganap na vape fest dahil nagpa-raffle sila ng kotse, big bikes worth P5-M 

bilang pasasalamat at pa-bonus sa mga guest.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …