Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiko Estrada Lumuhod Ka Sa Lupa

Kiko Estrada New Prime Leading Man ng TV5

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BINANSAGANG “lods na kaya kang ipaglaban,” ngayon si Kiko Estrada simula nang ipakita ang transformation nito sa top-rated afternoon series, ang Lumuhod Ka Sa Lupa ng TV5.

Paano ba naman sagaran ang training na ginawa nito sa jiu-jitsu at dedikasyon sa mga maaksiyong eksena niya bilang Norman Dela Cruz sa serye

Kaya naman asahang magpapasiklab ito sa primetime sa bagong yugto nito na magbubukas sa Hunyo. 

Sa totoo lang, marami na ang nag-aabang sa pagpapatuloy ng maaksiyong kuwento ng serye, at magandang balita nga na maihahanay na ito sa mga panggabing programa sa TodoMax Primetime Singko ng TV5.

Kaya sabi nga, kabahan na sina Coco Martin at Ruru Madrid dahil tatapatan na sila ng panlaban ng TV5, si Kiko.

Nalalapit na nga ang pagpapakita ng galing ni Kiko sa Lumuhod Ka Sa Lupa sa primetime na kinikilala na ngayonh “new prime leading man” ng kanyang mga tagasubaybay. 

Mapapanood ang Lumuhod Ka Sa Lupa tuwing 2:30 p.m. Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng EAT Bulaga sa TV5. At abangan ang Lumuhod Ka Sa Lupa sa TodoMax Primetime Singko ngayong Hunyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …