Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 33)

INILABAS NI SARGE ANG GAMIT NA PANTY,  SINABI KAY KERNEL NA EBIDENSIYA SA KASONG RAPE VS MARIO

Napabuntong-hininga siya. “’Musta nga pala’ng anak natin?”

“Nakisuyo ako ke Aling Patring, pinaalagaan ko muna si bunso.”

Sumidhi ang pananabik ni Mario na mayakap ang kaisa-isang anak.

Samantala, iprinisinta ni Sarge kay Kernel bantog ang bag na lalagyan ni Mario ng baunan at damit na pantrabaho. Panis na ang kanin, pritong galunggong at pritong itlog ang nasa baunang plastik. Umalingasaw ang masamang amoy nang mabuksan ang bag sa ibabaw ng mesa ng opisyal.

“Ano ‘yan?” paninita ni Kernel Bantog kay Sarge.

“Sir, ebidensya sa kaso ni Dela Cruz,” ngising-aso ni Sarge.

Dinukot ng sarhento sa bulsa ng pantalong suot nito ang isang pambabang kasuotan ng mga kababaihan.

Nanlaki ang mga mata ni Kernel Bantog. “Ano naman ‘yan?”

Lalong lumuwag ang bibig ni Sarge sa pagkakangisi.

“’To kunwari, Sir, ang panty nu’ng isa sa pinakahuling biktima ng rape-slay,” anitong iwinawagayway ang isang bago ngunit gamit nang kasuotang pambabae. “Kunwari din ay narekober natin sa bag na ‘yan.”

“Ang testigo, ‘asan?” isinisinga-singa ang nalanghap na masamang amoy ng napanis na mga pagkain na nakulob sa bag ni Mario. (Itutuloy bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …