Saturday , April 5 2025
dead gun

Negosyante nagbaril sa sarili

PINANINIWALAANG nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang 51-anyos negosyante na dumaranas ng depresyon kaugnay ng kanyang negosyo sa Malabon City.

Natuklasan ang duguang bangkay ng biktimang si alyas Tony, 51 anyos, ng kanilang family driver na si alyas Nats sa loob ng stock room ng kanilang tirahan sa Brgy. Concepcion, may tama ng bala sa ulo dakong 5:00 pm.

Ayon kay Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan, hawak ng biktima ang ginamit na kalibre .22 magnum revolver na may nalalabi pang pitong bala at isang basyo sa chamber na ginamit sa pagpapakamatay.

Inamin ng asawa ng biktima sa pulisya na dumaranas ng bahagyang depresyon ang kanyang mister dahil sa kanilang negosyo.

Nakasaad sa report nina P/MSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Sandy Bodegon, may hawak ng kaso, isasailalim sa autopsy examination ang bangkay ng biktima upang matiyak na walang foul play sa naganap na insidente. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …