Saturday , April 5 2025
dead gun police

Kelot todas sa tandem

PATAY ang isang binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek habang inaayos ang pagpaparada ng kanyang motorsiklo sa Malabon City.

Nairejord sa CCTV camera ang ginawang pamamaril ng suspek sa biktimang si alyas Julius Kulot, 21 anyos, residente sa Bagong Barrio, Caloocan City na namatay kaagad sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan, naganap ang insidente dakong 1:15 pm nitong Sabado sa harap ng Araneta De La Salle University (dating GAUF) sa Brgy. Potrero habang inaayos ng biktima ang pagpaparada ng kanyang motorsiklo sa harapan ng naturang pamantasan.

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si alyas Rolly, 39 anyos, vendor ng mani sa lugar, nakita niya ang pagdating ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na parehong nakasuot ng itim na jacket at huminto sa tabi ng biktima.

Bumaba ang nakaangkas na armado ng baril at malapitang pinaputukan nang tatlong beses ang biktima bago mabilis na nagsitakas patungo sa direksiyon ng Bagong Barrio.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng pamamaril para sa posibleng pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …