Monday , November 25 2024
arrest, posas, fingerprints

P.3-M droga nasamsam sa anti-drug ops,1 HIV, 3 adik, timbog

HULI ang apat na drug suspects, kabilang ang isang high value individual (HVI) nang makuhaan ng mahigit P.3 milyong halaga ng ilegal na droga nang masakote ng pulisya sa magkahiwalay na anti-drug operation sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Valenzuela City police chief P/Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa sinabing pagbebenta ng droga ni alyas Ambo, 38 anyos, positibo bilang isang HVI, kaya isinailalim nila sa validation.

Nang makompirma na positibo ang report, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Joselito Suniega ang buybust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong 9:40 am kahapon sa labas ng kanyang bahay sa Ka Carlos St., Domingo Compound, Brgy. Rincon matapos bentahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa suspek ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 at buybust money na isang P500 bill, kasama ang 16 pirasong P500 boodle money.

Nauna rito, natimbog ng kabilang team ng SDEU sina alyas Ben, 27 anyos, alyas Joshua, 27 anyos, at alyas John, 27 anyos, tricycle driver, pawang residente sa Brgy. Gen. T De Leon na naaktohang sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa San Miguel St., Tamaraw Hills ng nasabing barangay dakong 6:00 pm.

Nakompiska sa mga suspek ang aabot 0.5 grams ng hinihinalang shabu, may katumbas na halagang P3,400 at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …