Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas
Navotas

Bakuna vs Polio sa Navotas, umabot na sa 101%

NAKAPAGBAKUNA na ang Navotas ng aabot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para sa Chikiting Ligtas 2024 — ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health (DOH).

Ang Navotas ang kauna-unahan sa mga lungsod sa CAMANAVA ang nakaabot sa target nito na nakapagtala ang City Health Office ng kabuuang 16,062 bata na nabakunahan laban sa polio sa lungsod.

Sa bilang na ito, 661 bata ang 0-23 buwang gulang, habang 15,401 ay 24-59 buwang gulang. Ang mga batang ito ay naka-target para sa pagbabakuna pagkatapos mawalan ng ilang dosis o hindi makatanggap ng kahit anong dosis sa nakaraang taon.

Hinikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa poliovirus, na isang potensiyal na nakapanghihinang sakit na nakaaapekto sa spinal cord at mga kalamnan. Ito ay lalong mapanganib para sa mga batang 5-anyos pababa.

“The polio vaccine is safe and effective. Let us ensure that our children are protected from vaccine-preventable diseases by making sure that their immunization is updated,” ani Tiangco.

Sa kasalukuyan ay wala pang alam na gamot para sa polio at ang pagbabakuna ay ang tanging epektibong paraan upang maiwasan ang posibilidad ng isang outbreak.

Ang kampanyang Chikiting Ligtas ay magpapatuloy hanggang 15 Mayo 2024. Ang regular na pagbabakuna ay patuloy na makukuha sa mga health centers sa lungsod. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …