Saturday , April 5 2025

1 patay, 2 sugatan  
SENGLOT NA KELOTNANAKSAK NANG WALANG HABAS

050924 Hataw Frontpage

ni ROMMEL SALES

NAARESTO na ng pulisya ang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinamatay ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas Edsel, nasa hustong gulang, residente sa Blk 33, Lot 9, Area 2 Brgy. NBBS Dagat-Dagatan na nadakip sa ginawang follow-up operation nina P/Capt. Archie Arceo, commander ng Police Sub-Station 3, malapit sa kanyang tirahan.

Nabatid sa imbestigasyon, nag-iinuman ang mga biktimang sina Jann Benjamin Gunabe III, 28 anyos, Darwin Benosa, 21 anyos, at Lean Oswald Pesigan, 21 anyos, sa Hangout Resto Bar sa Brgy. NBBN nang magsimulang magsalita ng kabastusan ang suspek habang umiinom sa kabilang mesa.

Nang pauwi na ang mga biktima dakong 6:45 am, hindi sinasadyang nasagi ni Gunabe ang suspek na pasuray-suray nang lumalabas sa bar dahil sa kalasingan dahilan upang magkaroon sila ng pagtatalo.

Umawat sina Benosa at Pesigan ngunit biglang bumunot ng patalim ang suspek at walang habas na pinagsasaksak ang tatlo bago mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.

Isinugod ang mga biktima sa Tondo Medical Center pero idineklarang patay na si Gunabe habang sugatan naman at ginagamot pa ang dalawa niyang kasama.

Kaagad iniutos ni Col. Cortes ang pagtugis sa suspek na patakas na sana nang maaresto nina Capt. Arceo.

Sasampahan ng kasong pagpatay at dalawang bilang na bigong pagpatay ang suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …