Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dave Almarinez Ara Mina

Dave suportado showbiz career ng asawang si Ara; naglunsad ng bagong ride-hailing app

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUPORTADO ni Dave Almarinez ang showbiz career ng kanyang asawang si Ara Mina.

Ito ang iginiit ni Dave sa paglulunsad ng kanyang KeepUp, ang bagong ride-hailing app kahapon sa Fashion hall ng SM Megamall.

Ani Dave, “Kabahagi lahat ng ginagawa ko si Ara. Super supportive ako sa lahat ng ginagawa niya, sa passion niya sa showbiz. Nag-e-enjoy kami sa ginagawa namin.”

Sinabi pa ni Dave na, “noong pinakasalan ko si Ara, tinanggap ko na rin ‘yung  showbiz career niya kaya sinusuportahan ko talaga. Sabi nga happy wife, happy life. At kabahagi na iyon ng buhay namin.”

Nang matanong naman namin kung paano siya sinusuportahan ni Ara sa kanyang bagong negosyo, anito, “full support po ang aking asawa, in fact she’ll be here today para maipakita ang kanyang support sa Peek Up same with Paulo Avelino na siyang endorser namin. So I think walang doubt na lahat talaga ibibigay niya ang support sa akin, sa Peek Up, wala na akong masasabi pa.”

Bukod kay Paulo, face rin ng Peek Up si Ara. In fact, sa jingle ng kanilang Peek Up mag participation ang kanyang maybahay.

Sinabi ni Dave na 10 months in the making ang PeekUp.

Nabuo ang PeekUp kasi kailangan ng mga Filipino ng magandang services. Kailangan natutuwa ka kasi sulit ‘yung binabayaran mo. It’s about their experience. We’re 100% Filipino. Alam natin kung ano ang gusto ng mga Filipino.

‘Yung development ng app, ten months in the making ‘yan. My partners are in the transport industry. We have to put a new player para may choice kasi we kept on hearing sa passengers na ang ‘mahal naman.’ To solve those problems, we built this company. Cheaper ang fare.

Simple requirements lang tayo. Makasisiguro rin ang passengers sa security, privacy. There’s no added fee at straightforward ang approach. Naisip pa namin na payungan sila at ipagbukas ng pinto — those are the extended services na naisip namin,” sabi pa ng negosyanteng asawa ni Ara.

Samantala, bagamat parehong abala sa kani-kanilang career tiniyak nilang nasa plano pa rin ang paggawa ng baby. Tatlong taon ng kasal sina Dave at Ara.

Siyempre gusto namin magkaroon ng sariling anak. Kung anong gender, tatanggapin namin. Kung ako ang tatanungin, gusto ko boy para may tagapagmana ng apelyido ng pamilya ko. Both girls ‘yung anak ko kaya gusto namin ni Ara, boy naman. Excited ako. Sana may mabuo na.

If that happens, we’re very ready, she’s very ready. Top priority pa rin namin ang pamilya among others. Habang wala pa, taking advantage muna sa opportunities hanggang kaya pa ng katawan. Nagpapasalamat pa rin kami na marami pa rin siyang fans. Pero kung darating ang baby, ‘yun muna ang priority,” pagbabahagi pa ni Dave.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …