Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misteryo ng newbie singer na si Yza hinubog nina Vehnee at Ladine

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BACK-TO-BACK!

Ang paglulunsad sa aspiring talents na ginigiya ng henyong kompositor na si Vehnee Saturno at ng kanyang lovable partner at isa ring mahusay na mang-aawit, Ladine Roxas.

Kung si Yza Santos ay lumaki at nagkaisip sa bansang Australia, si Ysabelle Palabrica naman ay sa pinagmulan ng kanyang mga ninuno sa Iloilo hinubog.

Noong pandemya, nagawa ng Mama Marisa ni Yza na simulang matupad ang kanyang pangarap na maging singer sa pagkalampag kay Ladine at kumatok sa pintuan nito via zoom para makapag-workshop sa kanyang school ang anak.

Nakita ni Ladine ang potensiyal ni Yza kaya nang isangguni niya ito kay Vehnee at napakinggan ang kakayahan sa pagkanta, pinagbigyan ang hiling ng ina na mabigyan ito ng magiging signature song niya. 

At ito nga ang Misteryo. Tungkol sa pagtibok ng puso ng dalaginding sa kanyang crush. Bata pa si Yza pero alam naman daw niya ang pakiramdam ng magkaroon ng buterflies in her stomach.

Pursigido si Yza, sa suporta na rin ni Mama Marissa to make it in the circuit. Kaya kung kailangang gawing parang Quiapo lang o Divisoria ang ‘Pinas eh, kaya naman dahil apat na beses sa isang taon naman kung umuwi sila sa bansa. Kaya kung kakailanganing bumuno pa sa kanyang senior high school na dalaginding na magpabalik-balik, it will be just a matter of time and proper scheduling.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …