Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi ako sanay na binabastos — Sharon (Kaya pinapatulan ang mga nagba-bash sa kanya)

IN fairness, hindi nainip ang entertainment press na dumalo sa Madam Chairman presscon niSharon Cuneta dahil nalibang sila sa pa-bingo game ng production.

Naibulong sa amin ng taga-TV5 na baka raw kasi ma-late si Mega tulad ng nakasanayan na kaya nagpa-bingo sila bagay na ikinatuwa naman ng entertainment press at hindi nga naramdaman na pasado alas dos na dumating si Madam Chairman na marahil ay may inayos pang gusot sa social media, tama ba ateng Maricris? (Actually, marami na po ang nakaalis ateng regs bago pa man simulan ang presscon—ED)

At kaya namin nasabing ‘gulo’ sa social media ay dahil number one si Sharon na bina-bash ng mga walang magawa lalo na kapag nagbibigay ng opinyon niya ang aktres sa kanyang Twitteraccount.

Samantala, klinaro ni Madam Chairman na hindi na raw siya pumapatol ngayon kayag bina-bash siya.

“In the beginning, nagulat ako because I wasn’t raised like that.  Sanay ako na, kapag may issue, i-confront mo ako.

“Hindi ako sanay sa binabastos. Hindi ako nabuhay ng ganoon. I’m sorry, that’s my reality. I think lahat naman tayo hindi nabuhay nang binabastos tayo, ‘di ba? So, na-culture shock ako noong umpisa.

“Ngayon, I’m used to it. I just ignore, because I want to focus more on the people that matter, the people who follow you because they want to be updated on your work.

“They wanna know about your life. They’re inspired by you in one-way or another. That’s what I need to focus on because that’s me, eh,” nakangiting katwiran ng aktres.

“At saka, ano ba ang patol? If you make patol because you feel a loved one is being thrashed, I don’t think there’s anything wrong with that.

“Siguro ang mali ko lang, I try to speak some people’s language, not my language. Kasi hindi naiintindihan ‘yung language ko, so pinipilit ko.

“Eh, ngayon, hindi ko na ginagawa ‘yun. Problema na nila ‘yun. It’s not my problem anymore,” pangangatwiran pa ni Madam  Chairman.

Samantala, ma-papanood na ang  Madam  Chairman  sa TV5 simula sa Oktubre 14 (Lunes), 7:00 p.m. kasama sina Jay Manalo, Regine Angeles, Akihiro Blanco,  Shaira Mae de la  Cruz, Byron Ortile, Bayani Agbayani, Jojo Campomanes, Ciara Sotto, Nanette Inventor, Malou de Guzman, Manny Castaneda, Tony Mabesa, Jim Pebanco, Gilleth Sandico, Patani, Bearwin Meily, Toby Alejar at Fanny Serrano mula sa panulat ni direk Joey Reyes at direksyon ni Joel Lamangan.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …