Wednesday , May 7 2025
Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) sa pag-angat sa kalidad ng edukasyon at upang maipatupad ang panukalang decentralization sa education governance.

Nakasaad ang mungkahi ni Gatchalian sa 21st Century School Boards Act (Senate Bill No. 155). Una rito, imamandato sa local school boards ang pagdisenyo at pagpapatupad ng mga polisiya sa paghahatid at pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Susukatin ang tagumpay ng mga programang ito sa participation rate ng mga mag-aaral, sa bilang ng mga dropout at out-of-school youth, at marka sa mga national test at iba pang assessment tools.

Layon din ng naturang panukala na palawakin ang local school board upang makalahok ang iba pang mga education stakeholders.

Kasunod ng pagdalaw ng Second Congressional Commission (EDCOM II) on Education sa Vietnam, ibinahagi ni Gatchalian ang halimbawa ng naturang bansa pagdating sa pamamalakad ng sektor ng edukasyon. Bagama’t ang kanilang Ministry of Education and Training (MOET) ang nagpapasya ng mga polisiya para sa buong bansa, ang People’s Committee sa mga probinsiya ang may pananagutan para sa mga resulta.

Ang mga naturang komite rin ang nagbabantay sa kalidad at nagpapatupad ng mga programa sa edukasyon.

“Ang local school board ay isa nang magandang mekanismo upang magpatupad ng devolution sa mga lokal na pamahalaan dahil bahagi nito ang alkalde at superintendent.

“Ngunit iminumungkahi rin natin na palawakin ang responsibilidad ng mga local school board at tiyaking may pananagutan sila. Ang aking panukala ay isang paraan upang ibaba sa lokal na antas ang edukasyon gamit ang mga mekanismong mayroon tayo,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Iminumungkahi ni Gatchalian na palawakin ang paggamit ng Special Education Fund (SEF) na nagmumula sa dagdag na isang porsiyentong buwis sa real property.

Bagama’t nakasaad sa Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160) na maaaring gamitin ng local school board ang SEF sa operasyon, pagpapanatili, pagpapatayo, at pagkumpuni ng mga school buildings, iminumungkahi ni Gatchalian na palawakin ang gamit ng SEF upang magamit sa sahod ng mga guro at non-teaching personnel, sahod ng mga preschool teachers, at honoraria at allowances ng mga teachers at non-teaching personnel para sa karagdagang serbisyo sa labas ng regular na oras ng pagtuturo.

Iminumungkahi rin ni Gatchalian na gamitin ang SEF para sa capital outlay ng pre-schools, at sa operasyon at maintenance ng mga programa sa Alternative Learning System (ALS). (NIÑO ACLAN) 

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist

Comelec reso ipasa pabor sa lehitimong ABP officials, katarungan sa pagpaslang kay Leninsky Bacud hiniling

SA PAGDIRIWANG ng International Firefighters Day, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist …