Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, hangad na makapagpatayo ng school (Matapos makapagbigay ng mga gamit pang-eskuwela)

MAGTATAPOS sa October 25 ang Juan Dela Cruz na nangunguna sa ratings sa lahat ng Primetime teleserye ng Kapamilya Network. Nine months itong nagtagal sa ere at maraming memorableng bagay ang naiwan kay Coco Martin. Nasa plano talaga na hanggang nine months ito. Ang original ay may book 1, book 2, at book 3  pero ayaw nilang tipirin sa kuwento kaya diniretso nila. Kung ano ang flow na abutin hanggang October. At ang dami pang kuwento at revelations na kailangang buksan sa loob ng three weeks. Marami pang laman na kuwento bago magtapos.

“Marami pang rebelasyong gugulat sa ating lahat sa last three weeks ng show. Mayroon pa bang magbubuwis ng buhay para mapigilan ang kasamaan ni Peruha (Diana Zubiri)? Happy ending ba ang love story nina Juan at Rosario (Erich Gonzales)? At sa huli, maililigtas ba ni Juan ang mundo mula sa kasamaan ng mga aswang,” sambit ni Coco.

Lahat daw ng tipo ng seryeng nagawa niya ay pinaghalo-halo sa Juan Dela Cruz dahil may action, drama, comedy, love story, at fantasy. Isa raw ito sa pinakamahirap na soap opera na nagawa ni Coco. Kalahati ng pagkatao niya ay inilaan niya sa JDC. May advocacy ang programang ito kaya wish ni Coco na makapagpatayo sila ng school.

Gaano kahirap at magsabi ng goodbye sa karakter niya na siyam na buwan niyang ginawa?

“Malungkot at masaya. Masaya dahil grabe ang pagod talaga namin na inabot. Hindi lang mga artista kundi pati staff and crew. Talagang nagkakasakit na kami. Five to six days kami talaga nagti-taping. Natatapos kami ng 6:00  a.m., 9:00 a.m., minsan inaabot pa kami ng hapon. Pero nakalulungkot din kasi nagkaroon kami ng kaunting bonding na parang magkakapatid. ‘Pag dumarating ka sa set parang ang saya-saya. Gusto ko pumasok sa trabaho kasi hinahanap ko ang mga kaibigan ko, ang bonding namin,” kuwento niya sa kanyang solo presscon para sa pagtatapos ngJDC.

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …