Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA7 ABS-CBN

GMA wala ng identity sa paglipat ng mga show ng ABS-CBN

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY mga nagtatanong, ipalalabas din daw ba sa GMA 7 ang PBB

Ewan namin kung dapat pa ba. Una napakalaki ng royalty sa franchise ng PBB. In fact, nalulugi sila noon dahil sa laki ng bayad sa franchise eh. At sa totoo lang naman nasagad na ng ABS-CBN iyang PBB kaya may estasyon pa sila. Wala na halos tunog iyon eh, mababa na ang ratings ‘di gaya noong una.

Kung pag-uusapan din ang branding, nakabuo na ang GMA ng sarili nilang brand eh, iyong Starstruck. Mahina nga lang talaga sila sa build up kaya mukhang mahina iyon. Kung tatanggapin ng GMA ang lahat ng mga show na identified sa nasarang ABS-CBN, sila naman ang mawawalan ng identity. Kung sa bagay mukhang inaamin naman nila na talagang talo sila ng ABS-CBN pagdating sa content kaya nga nila kinukuha lahat ng ginagawa ng ABS-CBN kahit na wala sa kanila ang identity dahil inilalabas din iyon sa TV5, Zoe TV, at sa Kapamilya Channel. Eh iyong Kapamilya Channel makukuha na yata ng AMBS ng mga Villar. Iyon ang lalabas na talagang taga-salo ng ABS-CBN. 

Sa ngayon nga demoralized na ang mga tao ng GMA dahil sila ang nawalan ng trabaho dahil sa pagtambak sa kanilang estasyon ng mga produkto ng ABS-CBN.

Wala pa nga lang sigurong nagsasalita sa publiko pero naririnig na namin ang bulungan na mayroon na ngang discontent. Iyon nga lang wala naman silang magagawa dahil wala silang malilipatan. At saka pakikinggan ba sila ng GMA management na siyempre ang hinahabol ay kumita sila nang mas malaki?

Pero talo riyan ang GMA. Kasi collab sila, na ibig sabihin hati ang GMA at ABS-CBN sa kita, pero kahati lang ang GMA sa mga commercial sa GMA at GTV. Paano iyong kinikita ng Zoe TV at Kapamilya Channel? May parte ba sila roon eh kaparte sila sa gastos ng produksiyon ng show?K ung wala nakalamang na naman ang ABS-CBN sa kanilang deal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …