Saturday , April 5 2025
Dead body, feet

2 kelot nakiramay kahapon pinaglalamayan ngayon

PATAY ang dalawang obrero makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang nakikipaglamay sa nakaburol na kapitbahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Antonio Francisco, Jr., 34 anyos, residente sa Phase 8, Brgy. 176, Bagong Silang sanhi ng tama ng bala sa kanang dibdib.

Binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor sa nasabing pagamutan ang kanyang kalugar na si Jay Tee Torres, 29 anyos, dahil sa tama ng bala sa kanang tadyang.

Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong 4:40 am nang maganap ang pamamaril sa mga biktima sa burol ng isa nilang kapitbahay.

Kasalukuyang nakikipaglamay ang mga biktima nang biglang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril sina Francisco, Jr., at Torres.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos mamaril patungo sa main road ng Phase 8 ng nasabing lungsod, habang patuloy ang isinasagawang follow- up operations ng mga awtoridad.

Iniutos ni Col. Lacuesta ang pagrebisa sa mga kuha ng CCTV camera sa lugar at sa mga kalsadang dinaanan ng suspek na maaring makatulong para makilala ang suspek habang inaalam ang kanyang motibo. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …