Saturday , November 23 2024

Angkas rider, kasabwat tiklo sa paawa-epek cp snatching

041524 Hataw Frontpage

NASAKOTE ang isang42-anyos Angkas rider at kanyang tandem sa paawa-epek na cellphone snatching matapos biktimahin ang isang maawaing dalaga sa  Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Larry Carbungo Talavera, 42, Angkas Rider, residente sa Barrio Sto. Niño, Tala, Caloocan City; at Raniel Ryan Garcia Bjorn Kapanot, store helper, naninirahan sa Sunflower St., Tala, Caloocan City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, bandang 5:00 am kahapon, 14 Abril, nang mangyari ang insidente sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Ryan Dela Cruz, nilapitan ni Talavera ang biktimang si Karlaine Cabuyong, 19, at nagmamakaawang nakiusap na kung puwedeng hiramin ang kanyang cellphone dahil nanakawan umano siya at may kailangang tawagan.

Sa awa ng biktima ay ibinigay niya ang kanyang cellphone kay Talavera ngunit imbes mag-dial ay agad sumakay sa isang asul na Yamaha Mio na minamaneho ni Kapanot saka mabilis na tumakas sa kahabaan ng Tomas Morato.

Nahindik pero agad natauhan ang biktima kaya mabilis na nakapagpagibik ng saklolo na eksaktong naispatan ng mga elemento ng QCPD District Tactical Motorized Unit (DTMU) Task Force Delta na noon ay nagpapatrolya sa lugar kaya hinabol ang mga suspek hanggang madakip.

Nakapiit na ang mga suspek na sina Talavera at Kapanot sa Kamuning Police Station 10 at inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …