Thursday , September 18 2025
arrest posas

Nagtapon ng basura sa bawal na lugar
MISTER TIKLO SA DALANG SHABU

BINITBIT ng pulisya sa selda ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang mahigit P29,000 halaga ng droga nang tangkain silang takasan makaraang masita dahil sa pagtapon ng basura sa bawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Congressional Police Sub-Station 9 sa Bagumbong Road, Brgy. 171 na may kaugnayan sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) nang maispatan ang isang lalaki na nagtapon ng basura sa ipinagbabawal na lugar, malinaw na paglabag sa Ordinance No. 0753 (Anti-Littering) ng lungsod.

Nang kanilang lapitan para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang lalaki kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang makorner at maaresto dakong 11:51 pm.

Nang kapkapan, nakompiska sa suspek na si alyas Balong ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 4.4 gramo ng hinihinalang shabu, may katumbas na halagang P29,920.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …