Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
041024 Hataw Frontpage

Inayawan ni misis
BURIBOT NA MISTER, SINISI SA 3-ORAS BROWNOUT SA NAVOTAS

041024 Hataw Frontpage

ni ROMMEL SALES

NABULABOG ang ‘sleeping citizens’ sa Navotas City dahil sa tatlong-oras na brownout resulta ng pag-akyat sa poste ng koryente ng nagmamaktol na mister dahil inayawan siya ng kanyang misis, kahapon ng madaling araw.

“Gusto ko lang po makausap ang asawa ko, dahil ayaw na yata sa akin.”

               Ito rason ni alyas Arnold, 39 anyos, taga-Naic, Cavite, nang arestohin ng mga awtoridad dahil sa pambubulabog sa mga natutulog na residente sa isang barangay nang mawalan ng power supply sa loob ng tatlong oras dahil umakyat siya sa tuktok ng poste ng koryente sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

               Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, unang iniulat sa kanila ang pagwawala ng suspek na si  alyas Arnold, ngunit nang respondehan ng kanyang mga tauhan, umakyat ang lalaki sa tuktok ng poste ng koryente sa tapat ng Navotas City Hall sa M. Naval St., Brgy. Sipac Almacin, dakong 2:30 ng madaling araw.

Dahil dito, napilitan ang Meralco na pansamantalang putulin ang supply ng koryente sa naturang lugar para bigyang daan ang rescue team sa gagawin nilang pagliligtas sa lalaki.

Ilang oras na pinakiusapan ng rescue team ang lalaki na bumaba sa poste ngunit pilit na tumatanggi at hiniling na makausap ang kanyang asawa.

Dakong 5:06 am nang matagumpay na naibaba ng mga rescuer ang lalaki sa tulong ng dalawang boom truck na kanilang sinakyan kasunod ng pagbabalik ng supply ng koryente dakong 5:19 am.

Ayon kina P/SSgt. Allan Navata at P/SSgt. Levi Salazar, kasong Alarm and Scandal ang isasampa nila laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …