Sunday , December 22 2024
Vice Ganda Its Showtime GMA

Vice Ganda ‘di nakasisigurong matatalo ang Eat Bulaga (Buwis-buhay man o umakyat pa ng bakod ng GMA)

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKASAMPA pa si Vice Ganda sa logo ng GMA sa building niyon sa EDSA na para bang sinasabi, “sumuko na sa amin ang aming kalaban, Amin na ito.” Akala mo siya ay nakaupo sa isang naagaw na trono, at bilib naman ang iba. Buwis buhay daw si Vice sa ginawa, eh maliwanag namang ginamitan iyon ng optical. Baka nga sa bakod lang ng GMA hindi na maka-akyat si Vice doon pa ba sa ibabaw ng building?

Pero palagay namin, kung nagpunta man si Vice sa Tandang Sora at umakyat sa tore ng transmitter ng GMA hindi pa rin naman sila nakasisiguro na tatalunin nila ang Eat Bulaga.

Oo nga nakabola sila. Isipin mong kunin sila ng dati nilang kinakalaban? Kasi naman mukhang aminado ang GMA na wala silang kakayahang gumawa ng noontime show na makapagbabalik sa kanilang noontime supremacy matapos silang layasan ng TVJ. Noon ipinagmamalaki ng GMA na hindi sila natigatig sa noontime slot, pero dahil sa TVJ iyon nangyari ang dapat mangari. Noon, ilang ulit silang gumawa ng sarili nilang noontime show puro naman walang nangyari. Kaya noong makita nilang walang mapupuntahan ang It’s Showtime noong gusto na iyong alisin ng TV5 sa noontime slot dahil sa paniwalang mas magre-rate ang TVJ, kinuha agad iyon ng GTV. Tama naman ang TV5, dahil nang lumipat sa kanila ang TVJ, natangay niyon hindi lamang ang mga original Dabarkads kundi maging ang audience at sponsors nila.  

Sumugal naman ang GMA sa mga Jalosjos dahil wala silang choice dahil sa kanilang blocktime agreement. Bukod doon naniniwala naman silang kikita pa ang TAPE Inc. kahit na umalis ang TVJ dahil sa mga advance commercial contracts na hawak ng show. Makakabayad pa rin iyon ng utang sa kanila. Pero nang matalo ang TAPE Inc, sa kaso, at nawala na ang title na Eat Bulaga nawala na rin ang habol nila sa mga commercial na naka-book na roon, iba na ang show eh. Paano pa makakabayad ng utang iyon kung naghihingalo ang show? 

Nagkaroon na rin ng dahilan ang GMA, dahil ang kanilang blocktime agreement ay sa Eat Bulaga, ngayong wala na ang show at Tahanang di na Masaya, wala na silang committment doon. Isa pa, makakabayad pa ba ng utang ang TAPE? Iyon nga raw separation pay ng mga tao nilang nawalan ng trabaho ang usapan ay utay-utay na pagbabayad sa loob ng anim na buwan eh. Siguro gusto rin ng TAPE na makasingil muna sa mga advertiser nila.

Ngayon todo ang GMA sa suporta sa Showtime. Lahat ng mga artista nilang may name nasa launching ng show sa Channel 7, samantalang ang ibinigay lang nila sa TAPE Inc. noon ay sina Betong, Buboy VIllar, at Paolo Contis. Buti nga nakuha pa si Yorme Isko Moreno kahit na paano.

Pero hindi batayan iyang social media post. Ang isang troll ay maaaring mag-post ng kahit na 200 mensahe sa loob ng isang oras. Hindi nangangahulugang dahil trending sila sa isang social media platform ay matindi na sila. At bakit hindi ganoon ka-heavy ang mga post sa Facebook at Instagram? At saka ang laban ay TV show, ibig sabihin paramihan ng nanonood sa tv hindi naman iyong nagtitiyaga sa cellphone. TV show iyan eh, Kung ang laban nila ay sa streaming ang katapat nila iyong VIvamax.

Mukhang hindi naman natigatig ang Eat Bulaga. Kung natigatig iyan baka pinakyat nila si Jose Manalo sa tore ng TV5 sa Novaliches. Kaso hindi eh.

Hindi pa natin masasabi sa ngayon kung ano ang mangyayari. Maghintay pa tayo ng kaunting panahon, pero basta hindi nailampaso ng Showtime ang TVJ sa loob ng isang buwan, sila ang todas diyan.

Malakas ang advertising support ng Eat Bulaga kaya may gagastusin iyang pondo para sa content ng kanilang show. Eh ang ABS-CBN naman hindi na makakatulak iyan kagaya ng dati dahil aminado naman silang nalulugi sila ng milyon buwan-buwan.  May nakukuha man silang advertsiers, malaki naman ang binabayaran nila sa airtime kasi nakikisuno lang sila sa ibang estasyon eh. Hindi kagaya noon na koryente lang ang binabayaran dahil sa kanila mismo ang estasyon. Ngayong nakatali sila sa isang blocktime agreement, binabayaran nila ang full commercial minutes ng estasyon. Eh hindi naman nila naibebenta lahat ng commercial minutes, at natural mas mahal ang singil nila para may tubuin sila.

Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mukhang tahimik na rin sila sa pakikipag-colab sa mga VIllar. At kung full colab sila, papayag ba ang AMBS na may mga show silang makakalaban ng estasyon nila?

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …