Friday , June 5 2026
Gun Fire

Tireman binoga ng ‘di nasiyahang rider/customer

KRITIKAL ang lagay ng isang isang tireman matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center (VMC) sanhi ng mga tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si Jeroen Jimenez, 32 anyos, stay-in sa Nitudas vulcanizing shop na matatagpuan sa  Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

Sa nakarating na ulat kay Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., naganap ang insidente ng pamamaril dakong 9:40 pm sa harap ng nasabing vulcanizing shop.

Batay sa pahayag sa pulisya ng mga saksi, isang hindi kilalang rider ang dumating sa naturang vulcanizing shop para ipaayos ang flat na gulong ng kanyang motorsiklo at kinausap nito ang biktima ngunit abala sa paglalaro sa cellphone kaya ang kanyang helper ang nag-ayos ng gulong.

Pero bumalik ang rider saka kinompronta ang biktima nang muling ma-flat ang gulong ng kanyang motor na naging dahilan upang mauwi sa mainitang pagtatalo kaya sinabhin ni Jimenez ang kasama niya na ibalik ang ibinayad ng rider na itinulak palayo ang motorsiklo patungong Caybiga, Caloocan City.

Makalipas ang mahigit isang oras, dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo kapwa nakasuot ng itim na long sleeves at itim na helmet ang dumating na sumisigaw ang back rider ng katagang “Pu…. Mo huwag ganyan!”

Kasunod nito ay pinagbabaril ang biktima na nakaupo sa harap ng shop bago mabilis na tumakas patungong Mindanao Avenue, Quezon City.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan para maaresto ang mga suspek habang nagsasagawa ng backtracking sa mga CCTV footage sa lugar na maaaring makatulong sa imbestigasyon. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …