Monday , December 23 2024
Chasing Tuna in the Ocean

MTRCB ipinagbawal pagpapalabas ng Chasing Tuna in the Ocean 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INIHAYAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyong ipagbawal ang pagpapalabas ng pelikulang Chasing Tuna in the Ocean dahil sa mga eksenang nagpapakita ng kontrobersiyal na nine-dash line.

Ang pelikula ay binigyan ng “X” na rating, na ikinategorya bilang “Not for Public Exhibition” sa loob ng Pilipinas.

Ang desisyon ay nabuo matapos ng masusing pagsusuri ng MTRCB Committee on First Review, na nagtapos ang paglalarawan ng pelikula sa nine-dash line na sumisimbolo sa pag-angkin ng teritoryo ng China sa South China Sea. Ang nasabing paglalarawan ay itinuturing na isang pag-atake laban sa prestihiyo ng Republika ng Pilipinas at ito ay lumalabag sa Seksyon 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986 (PD No. 1986).

Ang MTRCB ay patuloy na ipatutupad ang kanyang mga kapangyarihan at prerogative na naaayon sa kanyang mandato, at bilang mga Filipino, hindi namin kukunsintihin ang anumang nilalaman na sumisira sa prestihiyo ng Republika ng Pilipinas,” ani MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto kahapon. Huwebes.

Kaya naman hindj ipalalabas ang ‘Chasing Tuna in the Ocean’ sa Pilipinas. Gayunman, dahil ang rating na ‘X’ ay ipinataw ng Committee on First Review, sa ilalim ng PD No. 1986, hindi pinipigilan ang mga producer na mag-aplay sa Lupon ng kahilingan para sa Ikalawang pagsusuri, sa kondisyon, na magsumite sila ng bagong materyal na ang mga pinagtatalunang eksena ay tinanggal para sumunod sa MTRCB Charter. Ito ay nagsisilbing paalala sa mga producer na umayon sa mga pamantayan ng MTRCB,” giit pa ni Sotto.

Ipinakikita sa Chasing Tuna in the Ocean ang hirap ng mga mangingisda sa paghuli ng tuna sa Indian Ocean, at inilalahad ang kawalang-takot at responsibilidad ng mga mangingisda mula sa isang maselang pananaw.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …