Sunday , December 22 2024
Nadine Samonte Layas

Nadine Samonte pinaghandaan pagbabalik-showbiz 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

EXCITED at aminadong na-miss ang pag-arte ni Nadine Samonte kaya naman talagang pinaghandaan niya ang pagbabalik-showbiz. Bukod sa serye sa GMA mapapanood si Nadine sa isang inspirational drama movie, ang Layas mula sa Pinoyflix Films na idinirehe ni Jose “JR” Olinares at palabas na sa mga sinehan.

Ayon kay Nadine na nang makausap namin ay talaga namang napanganga kami dahil ang ganda-ganda at ang seksi-seksi sa premiere night noong Martes sa SM Megamall Cinema 8, “Pinaghandaan ko talaga ito.”

Hindi nga halatang naka-tatlong anak si Nadine dahil napaka-seksi nito. Halos 10 kilo naman kasi ang nawala sa kanya mula noong tumaba siya. At para paghandaan ay nag-boxing siya bukod sa pagda-diet.

Grabe rin ang diet na ginawa ko. Sabi ko, kapag nag-comeback ako, kailangan payat ako. Eh, lumaki talaga ako ng sobra.

“So nagba-boxing ako, aside from diet. At masaya ako ngayon,” ani Nadine na bukod sa kanya, kasama rin siya sa pelikula sina Michelle Vito, Joem Bascon, at Alex Medina.

Naikuwento ni Nadine na dalawang taong gulang na ang kanyang bunso kaya naman nakabalik na siya sa pag-arte na siyempre’y ipinaalam din niya sa kanyang very supported husbanda. 

“Basta salitan kami ng husband ko, kapag wala ako sa bahay, dapat nandoon siya. It’s time for me to work!” anito.

 “Hinahanap ko talaga ang pag-arte, ang magtrabaho, magpuyat. Kaya noong mabigyan ako ng chance, in-accept ko na kasi, dahil sayang naman,” pagbabahagi pa ni Nadine.

At dahil may asawa at mga anak na, natanong namin ito kung may limitasyon sa pagbabalik-showbiz.

“Alam naman niya na ako mismo ang umaayaw, like hindi na puwede ang kissing scene, o bed scene. Siguro mga smack lang, okey naman.

“Actually, ang husband ko mismo ang may gusto (pagpapa-sexy). Siya ang nagsasabi na okey lang. Ako talaga ang nagsasabi na wait lang, tingnan muna natin. Hahahaha. Mas conservative talaga ako kaysa kanya,” sabi pa. 

Sa kabilang banda, pinuri naman ni Direk Jose si Nadine dahil wala pa rin itong kupas sa pag-arte dahil puro take one lang ang mga eksena.

Base sa true-to-life stories ang Layas na isang heart-rending story ng limang naglayas na bata na nakaranas ng hirap at mga pagsubok sa buhay hanggang sa makamit nila ang inaasam na tagumpay. 

Isinulat ito ni Jocelyn Rayton, executive producers naman sina Norida Nakamura, Tricia Bancod, atMary Ann Villamor. Kasama rin dito na gumanap na mga batang naglayas sina Alodia Buenio, Kristine Buenio, RG Guinolbay, Gwynn Villamor, James Estrella. Gayundin sina Dianne Medina, Ping Medina, Dindo Arroyo, Pamela Ortiz, Poppo Lontoc, Trish Bancod, at may special participation ni Norida Nakamura.

Mapapanood din ang Layas sa ibang bahagi ng Amerika gayundin sa Japan. 

Rated R-13 ang Layas ng MTRCB at sinuportahan ng Municipal Social Welfare and Development (Binangonan), Pamahalaang Bayan ng Binangonan, Pamahalaang Bayan ng Tanay, at Team Foundation. Major sponsors ang Angels Pizza, The Bagman/JMB PL, Cherish Beauty, Kansai Group of Companies, Tres Chic Luxury Original, Frappy Bags.ph, Gwynn’s Cathering, at 8 Bags Collections.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …