Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gelli de Belen Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Gelli sa pagbabalikan ng KathNiel—bata pa ‘yang mga ‘yan, kung nauukol bubukol

RATED R
ni Rommel Gonzales

KASAMA si Gelli de Belen sa 2 Good 2 Be True ng Kapamilya Channel noong 2022 na bida sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hiningan namin si Gelli ng reaksiyon tungkol sa break-up ng KathNiel.

Oo nga,” saad ni Gelli, “it’s unfortunate pero tingin ko parang lahat naman tayo sa buhay, ‘di ba parang, we all go through heartbreak and changes.

“And maybe ito ‘yung time para sa kanila… mga bata pa ‘yang mga ‘yan, kung nauukol bubukol, malay mo?

“Pero kung hindi maybe it’s time for them to do other things and discover themselves. Feeling ko more than anything sa kanila parang, baka iyon ang pinaka-importante.”

Sino ang mas close niya, si Kathryn o si Daniel?

“Well both… maybe because siyempre kaibigan ko si Karlalu [Karla Estrada na ina ni Daniel], pero siyempre, si Kath baby girl ko iyan sa ‘2 Good 2 Be True’ so mas madalas ko nakakasama si Kath.

”Siyempre ‘pag girl ‘di ba mas open? Pero si DJ [Daniel], si DJ ‘yan eh, parang pamangkin ko na rin ‘yan, eh, so ano ‘yan…”

So kanina siya mas kampi o nakikisimpatya?

Wala! Wala, wala, wala. Wala, none at all.”

Noong nagte-taping sila ng 2 Good 2 Be True wala bang naikuwento sa kanya si Kathryn?

Wala naman.”

Sa tingin niya, may pag-asa pang magkabalikan sina Kathryn at Daniel?

Hindi pa tapos ang buhay. Kami nga ni Ariel nagkabalikan, eh!”

Isang beses daw silang nag-break ni Ariel noon na umabot ng tatlong buwan bago sila muling nagkabalikan.

Kasama ni Gelli na mga host ng public  service program na Si Manoy Ang Ninong Ko sina Agri Party-list Wilbert Lee, Sherilyn Reyes-Tan, at Patricia Tumulak.

Mapapanood ito tuwing Linggo, 7:00 a.m. sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …