Saturday , April 5 2025
Malabon Police PNP NPD

 ‘Astang Rambo’ dinakma sa Malabon

BINITBIT ng pulisya sa selda ang isang lalaking ‘astang Rambo’ na palakad-lakad habang armado ng isang shotgun na kargado ng mga bala sa Malabon City.

Sa imbestigasyon ng Malabon police, nakatanggap ng sumbong mula sa mga residente sa Pilapil St., Brgy. Catmon ang mga tauhan ng Sub-Station 4 hinggil sa isang lalaki na mistulang nasa ‘war zone’ kung umasta sa bitbit niyang shotgun.

Kaagad silang nagresponde sa nasabing lugar kung saan natiyempohan nina P/SSgt. Bernardino Bernal at P/Cpl. Rochester Bocyag ang suspek, kinilalang si alyas Rodel na palakad-lakad habang may bitbit na baril.

Bago pa makaporma, kaagad dinamba ng mga pulis ang suspek hanggang makompiska ang isang

12-gauge shotgun na may tatak na “Squibman” at kargado ng dalawang bala.

Nabigo ang suspek na si Rodel na magpakita ng dokumento na magpapatunay na legal ang pagmamay-ari at pagdadala niya ng mataas na uri ng armas kaya isinelda siya ng mga awtoridad. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …