Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shaira Diaz EA Guzman

EA at Shaira ‘di natukso kahit madalas magkatabing natutulog

RATED R
ni Rommel Gonzales

MARAMI ang bilib sa sitwasyon ng magkasintahang EA Guzman at Shaira Diaz dahil kahit engaged at mahigit sampung taon na ang relasyon ay walang intimacy na nagaganap sa kanila.

Kahit sabihin pang kapag nagbibiyahe sila ay magkasama sa kuwarto, buong-buo  ang tiwala sa kanila ng mga magulang ni Shaira dahil alam nilang igagalang ni EA ang kagustuhan ng aktres.

Lahad ni EA, “Totoo ‘yun talaga! Kasi, like for example, hindi lang naman kayo, pati pamilya rin niya, eh. Siyempre, kailangan kong i-secure ‘yun.

“Every time na magta-travel kami, kailangan i-secure ko ‘yung parents niya na wala talagang mangyayari.

“Oo magkasama kami… magkatabi kaming matulog, pero as in wala po. Kahit itanong niyo kay Shaira.

“Iyon ‘yung lagi kong sinasabi sa kanila, ‘Kahit itanong niyo kay Shaira.’ Wala po akong… hindi po ako nag-attempt, hindi ko po siya pinilit or something, wala po talaga. Iyon ‘yung love talaga.”

Alam ni EA na may mga tumataas ang kilay at hindi naniniwala sa pinapraktis nilang celibacy.

“Para sa akin po, hindi ako magbibigay ng negative comment about them,” pakli ni EA. “Para sa akin, ‘yung pagmamahal na lang. Hindi boring, eh. Hindi boring ‘yung pagsasama namin ni Shaira. Kasi kung boring, hindi kami magtatagal ng 11 years.

“Kung alam niyo lang, sabi nga nila, kung naniniwala kayo sa sinasabi nila na kapag matagal na kayo, para na lang kayong mag-best friend. Ganoon ‘yung relasyon namin ni Shaira.

“And I’m so happy, kasi siya ‘yung… alam niyo ‘yun? Siya ‘yung… sa kanya ako lumuhod, sa kanya ko ibinigay ‘yung pagmamahal ko talaga.

“So, I’m very, very proud. Ngayon, gusto kong ipagsigawan, mahal ko si Shaira and napakasuwerte ko na siya ang mapapangasawa ko.”

May mensahe si EA para sa mga magkarelasyong nagpa-practice rin ng celibacy. 

For me, ‘yung ginawa ko kasing proseso is nagtiwala ako kay Shaira. Pinanghahawakan ko ‘yung promise niya sa akin.

“’Yung love talaga po and respect. Dalawa po ‘yun. ‘Yung love and respect, ‘yun talaga ang nangibabaw sa akin.

“Kasi kung hindi ko siya inirerespeto, kung binabastos ko lang siya, hindi ako makatatagal, eh.

“So, ‘yun nga. Sa mga kalalakihan na may ganito ring sitwasyon, matuto tayong maghintay sa tamang panahon.

“And kapag nandoon na tayo sa tamang panahon na ‘yun, all worth it. Kumbaga, eto na ‘yung hinihintay natin. Para lang nanalo tayo sa lotto.

“Just be patient, and mahalin mo ‘yung partner mo. Kahit sa ganoong sitwasyon niyo, just be honest, loyal, and kailangan ibigay mo sa kanya ‘yung genuine love na kailangan niya.

“Babalik din naman sa iyo ‘yun, in time.”

Sa ngayon ay abala si EA sa kanyang career, napapanood siya sa Lilet Matias: Attorney-At-Law bilang si Kurt.

Mapapanood na simula March 4, Lunes sa GMA Afternoon Prime, 3:20 p.m., bida si Jo Berry at kasama rin sina Jason AbalosMaricel Laxa-PangilinanAnalyn BarroRita AvilaBobby AndrewsLloyd Samartino, Glenda GarciaTroy Montero at marami pang iba. Ito ay idinirehe ni Adolfo Alix, Jr..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …