Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Edgar Allan EA Guzman Shaira Diaz

EA inaming iniyakan, 11 taong relasyon kay Shaira ng walang sex

RATED R
ni Rommel Gonzales

NASA cloud nine si Edgar “EA” Guzman nang sagutin ang tanong namin tungkol sa engagement nila ng girlfriend na si Shaira Diaz.

Makalipas kasi ang tatlong taon, naihayag na nila sa publiko na matagal na silang engaged mula pa noong 2021.

Masaya ‘yung puso ko ngayon at masarap ipagsigawang engaged na kami ni Shaira,” masayang pahayag ni EA sa ginanap na presscon ng Lilet Matias: Attorney-At-Law ng GMA.

Sa tanong namin kung kailan ang kasalan?

“‘Yung date ng wedding, year pa lang po. Kasi si Shaira is nag-aaral pa po.

“So, ang gusto niya talaga is makatapos ng pag-aaral, which is ibibigay ko naman sa kanya ‘yun.

“And this year siya magtatapos. And after that, a year pa, ayusin namin lahat.

“Gusto namin maayos pa… 2026 is the target year sa wedding namin.”

November of last year ay inihayag mismo sa amin ni Shaira na fourth year Marketing Management student siya sa University of Perpetual Help sa Las Pinas City at isang taon na lamang ay magtatapos na siya sa pag-aaral.

And then ipon lang ng one year tapos puwede ng pag-usapan,” sinabi pa ni Shaira na tugma sa sinabi ni EA sa presscon na mag-iipon muna sila bago ang wedding.

Napag-usapan din sa naturang presscon ang tungkol sa celibacy nina EA at Shaira, na ang ibig sabihin ay walang sekswal na ugnayan sa kanilang dalawa habang hindi pa ikinakasal.

Kahanga-hanga sila, lalo na si EA na lalaki at nakapagtitiis.

Aniya, “Para sa akin naman, eh ‘yung 11 years nga natiis ko. Ilang taon na lang talagang magiging asawa ko na siya. And alam mo ‘yun, magkakaroon na kami ng sariling pamilya namin.” 

Nirerespeto ni EA si Shaira.

Ako lang talaga, ‘yung love ko kay Shaira and respect, ‘yun lang talaga ‘yung reason kung bakit ko natiis, bakit ko nakayanan. ‘Yung love and respect ko kay Shaira.”

Aminado si EA na mahirap iyon.

Ang hirap!” sambit niya.

Sabi ko nga sa interview ko kay Tito Boy [Abunda], first two years namin umiiyak ako kay Shaira. Lalaki ako, eh, ‘di ba?

“Hindi sa gusto kong mabait. Totoo po.

“’Pag nararamdaman ko siya, iniisip ko ‘yung sinasabi sa akin ni Shaira na, ‘Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako,’ which is doon ako tinamaan. Iyun ‘yong pinanghahawakan ko.

“Roon talaga… nasanay na ako na ito lang, hanggang dito lang ako. Eto lang kami. Pero ramdam ko ‘yung love namin sa isa’t isa.

“Kahit walang ganoon, mararamdaman mo kung talagang mahal mo ‘yung isang tao, mararamdaman mo ‘yung love ng isa’t isa,” pahayag pa ni EA na gumaganap bilang Kurt.

Sa direksiyon ni Adolf Alix Jr., mapapanood na simula March 4 sa GMA Afternoon Prime, na bida rito si Jo Berry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …