Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin del Rosario Liezel Lopez

Martin del Rosario non-showbiz ang mas feel maging GF

RATED R
ni Rommel Gonzales

LOVELESS pa rin si Martin del Rosario.

“Single pa rin, pero nagdi-date naman,” sambit ni Martin.

Non-showbiz ang idine-date ni Martin sa ngayon.

Birong tanong namin kay Martin, hindi ba niya idine-date si Liezel Lopez na co-star niya sa Asawa Ng Asawa Ko?

“Ay, hindi… close kami,” at tumawa si Martin.

Mainit na tinanggap din ng publiko ang tandem nilang dalawa bilang Prinsipe Zardoz at Zandra sa Voltes V: Legacy na umere sa GMA noong Mayo hanggang Setyembre, 2023.

Choice ba ni Martin na non-showbiz ang makarelasyon?

“Oo. Pero ngayon kasi hindi ako naghahanap. Pero based doon sa mga past relationship ko, lahat sila non-showbiz.

“Pero kasi kung may dumating na tao na from showbiz hindi ko mapipigilan iyon. Ang love naman, basta dumarating, ‘di ba?”

Maglilimang taon na ngayon na walang karelasyon si Martin. Pero kahit loveless siya ay happy si Martin.

“Actually ngayon sobrang masaya ako,” lahad ng Kapuso actor. “Kasi na-realize ko na kapag naka-focus ako sa sarili ko, I mean lahat ng goals ko nakukuha ko ngayon.

“Nakakapag-ipon ako, may negosyo ako, may mga nabibili ako for myself, for my family, lahat ng hindi ko nagawa noong time na wala ako sa focus, so… I mean ngayon na 31 na ako proud ako sa mga na-accomplish ko sa sarili ko.”

Ang negosyo ngayon ni Martin ay may kinalaman sa pagsu-supply ng mga gamot sa mga LGU o local government units.

Sa Asawa Ng Asawa Ko, gumaganap si Martin bilang si Jeff na ang mga lead star ay sina Rayver Cruzas Jordan, Jasmine Curtis-Smith as Cristy, Joem Bascon as Leon, at Liezel Lopez as Shaira.

Tampok din dito sina Gina Alajar as Carmen, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Kzhoebe Baker as Tori, Quinn Carillo as Leslie, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw. Sa direksiyon ni Ms. Laurice Guillen. Napapanood tuwing 9:35 p.m. sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …