Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 tulak, nalambat sa buy-bust

DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang nalambat makaraang kumagat ang mga ito sa isinagawang buy- bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong 10:10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez ng buy- bust operation sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtranksaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.\

Nang tanggapin ng mga ito ang markadong salapi mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba sina alyas Maroy at Bugoy.

Ayon kay Cpt. Sanchez, nakumpiska sa mga suspek ang aabot 5.3 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P36,040.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …