Sunday , December 22 2024
Celeste Cortesi

Celeste Cortesi tapos na pageantry pokus na sa pag-aartista

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALA pang plano na muling sumali sa anumang beauty contest si Celeste Cortesi.

Miss Universe Philippines winner noong 2022 si Celeste pero hindi niya nakuha ang korona, bagkus ay ang half-Pinay, half-American na si R’Bonney Gabriel ng USA ang kinoronahang Miss Universe noong taong iyon.

And since hindi nga siya nagwagi at ang mga rule ngayon sa mga beauty pageant ay mas maluwag na, tulad ng puwedeng sumali ulit ang mga hindi nanalo, kaya natanong namin si Celeste kung may balak pa siya.

Pero iyon nga, ayaw na niya.

 “I don’t think I would just because, kasi I don’t think of it at all.

“If I would do it again? I don’t know in the future what I will think of it, but as of the moment right now I wouldn’t do it just because I know I gave it all already.

“I put all my efforts in and I really believe that the Miss Universe is a destiny and if it’s not for me it’s destined for someone else.

“And now finally I really have something that I would like work on and to focus on, and that’s my acting career.”

Nakapokus na ngayon si Celeste sa pagiging artista.

I’m done with pageantry, tapos na!”

Gumaganap si Celeste bilang si Diamond Ricci sa season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na pinagbibidahan nina Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. (bilang Tolome) at Beauty Gonzalez (bilang si Gloria) sa GMA.

Napapanood ito tuwing Linggo, 7:15 p.m..

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …