Sunday , December 22 2024
Kris Aquino Fast Talk with Boy Abunda

I refuse to die — Kris sa paglala ng sakit

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IPINAGTAPAT ni Kris Aquino na tripleng pag-iingat ang ginagawa niya ngayon dahil sa posibilidad na ma-stroke. Dagdag pa na may tama na rin siya sa lungs at may problema rin ang kanyang puso. Ito ang ibinahagi ni Kris kahapon ng hapon sa panayam ni Boy Abunda sa kanya sa  Fast Talk with Boy Abunda

Ani Kris, mayroon na siyang limang autoimmune disease na mas lalong nagpapabagsak sa kanyang katawan ngayon. Ang ikalima ang pinakakontrabida sa lahat.

Dagdag pa na may tama na rin daw ang kanyang lungs ito’y matapos magkaroon niya ng comorbidity at magpositibo sa COVID-19 ilang buwan na ang nakararaan.

Ipinagtapat pa ni Tetay na alarming na ang nangyayari sa kanya lalo’t sobrang bumagsak na ang kanyang hemoglobin na importanteng-importante dahil ito ang nagdadala ng oxygen sa katawan ng tao.

May problema rin ang kanyang puso dahil may mga pagkakataong grabe ang taas ng kanyang heart rate. 

May mga oras na umaabot ng 120 to 146 ang heart rate niya gayung pupunta lang siya sa banyo. Kaya nga hindi inaalis ni Kris na posible siyang ma-stroke kaya tripleng ingat ang ginagawa niya. 

Kaya naman muling humihiling ang nanay nina Josh at Bimby ng  dasal para sa kanyang kalusugan.

Ibinahagi rin ni Kris na sa Lunes,  may susubukang bagong biological medicine sa kanya na tutulong sa pagkontrol sa kanyang mga autoimmune disease at para sa kondisyon ng kanyang puso.

Ipinagtapat pa ni Kris na malaking sugal ang gagawin sa kanya dahil kapag hindi   naging effective, pwede siyang ma-cardiac arrest.

Ani Kris, “On Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot this is my chance to save my heart. Because kung hindi ito tumalab, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. As in puwedeng tumigil na lang ‘yung pagtibok ng aking puso. 

“So, may gamot na susubukan, but theres’ have a very big risk involve in that medicine because hindi ibinibigay ang gamot na ito na hindi ka binibigyan muna ng steroids. On Monday, titingnan muna nila kung kakayanin ko. Kung kakayanin ko, bibigyan ako ng pangalawang dose. I will need four doses of this medication.”

Biggest blessings namang maituturing ni Kris ang kanyang kaarawan kahapon, February 14, dahil aniya, “pahiram na lang ito ng Diyos sa akin. I hate to say it, but you know, I’m very, very honest kasi hinarap ko na ito and ang bawat araw, pahiram na lang ito ng Diyos. So, whatever days are left, kung anuman ang natitira, it’s a blessing.”

Idinagdag pa ni Kris na, “I really want to stay alive. Sino ba naman ang sasabihin na handa akong mamatay? Bimb is only 16 and I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything. Lahat gagawin ko. Kasi, hindi naman sikreto sa mga tao na ang kuya niya falls under the autism spectrum. Kailangan pa nila ako. 

“But after Monday, wala na akong immunity, puwede na akong dapuan ng kahit anong sakit at wala na akong panlaban doon.”

Kaya ang dasal na lamang ni Kris sa mga nangyayari sa kanya ngayon, “I just wanna thank God. Because people I do not know, people na have never met me, hindi ko mga kilala, ipinagdarasal nila na kailangan kong gumaling. But I cannot promise you that, kasi ang dami nang hindi ko kayang gawin. Pero pangako ko po sa inyo, hindi ko kayo bibiguin kasi sumuko ako. Wala sa pananaw ko sa buhay na sumuko, hindi ko ipahihiya ang sarili ko sa inyo. I refuse to die,” sambit pa ni Kris. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …