Sunday , December 22 2024
Joel Cruz 60

Mga anak ni Joel nagpakitang-gilas umawit ng So Long, Farewell sa kanyang kaarawan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

DAHIL sa mga Tsino, may ibang ibig sabihin ang numero nuwebe, pagdating sa pagdiriwang ng kaarawan ay iniiwasan ito.

Kaya kung 59 years old ka sa kaarawan mo, either ise-celebrate mo ito ng 58 ka o kaya eh, gagawin mong 60 na.

At ‘yan ang edad ng Lord of Scents na si Joel Cruz, 59 noong ika-5 ng Pebrero. At dahil malapit na rin sa pagdiriwang ng Year of the Wood Dragon, itinaon na ni Joel ang kanyang birthday celebration sa Pebrero 10, 2024.

Kaya naman sa nasabing pagdiriwang, isinara ang apat na lansangang pumapalibot sa kanilang Chateau de Milagros na ipinangalan sa kanyang dakilang ina, na inihandog ni Joel ang kanyang espesyal na araw sa kanyang walong anak, mga kaibigan, mga ninong at ninang ng walong anak, mga kapitbahay at mga empleado. 

Ang handa ay tribute sa mga lutong bahay ng kanilang Nanay. ‘Di nawala ang lechon dahil malapit lang sa bahay nila ang La Loma lechonan na kanilang kinalakihan.

Ang pinaka-magandang parte ng selebrasyon ay ang konsiyerto ng mga kaibigan ni Joel. Ang world class talents na sina Myramae Meneses, Gerald Santos, at Asia’s Diva Dulce. Na sinaliwan ng Philharmonic Orchestra sa pamumuno ni Maestro Rodel Colmenar. Si Jackielou Blanco ang nagsilbing host sa pagtitipon.

Naghandog ng surprise number si Malu Barry.  At ipinagdiwang din ang kaarawan ng SVP at co-founder ng  Aficionado na si Remar de Leon.

Isang daang panauhin ang nagkamit ng special prizes mula kay Joel. Pero ang highlight ng gabi ay ang ipinamahaging mga premyo sa sampung masuwerteng bisita.

Kabilang sa  top ten prizes ang anim na cash worth P8,888.00; 60″ LED TV; P88,888.00 cash; franchise ng Takoyatea na halagang P188,888; at Aficionado franchise na halagang P465,000. 

Ang nagwagi ng top prize ay si Mrs. Universe titleholder Eimee Cragun. Binanggit ni Joel na deserve ito ng kanyang kumare (ninang ng isa sa kanyang mga anak) na kada tawag niya kay Eimee para sa mga charity ay laging handang tumulong. 

Tinapos ang celebration ng isang toast at fireworks display.

Kabilang din sa nagsidalo sina Tin Tin at Julius Babao, Margie Moran, Jean Saburit, Camille Villar, Geoff Taylor at wife, Jiro Custodio, Yoli Ayson na partner ni Ricky Laurel ng Lyceum of the Philippines, mga classmate ni Joel mula sa UST High School at College, kasama rito ang costume designer ng Ang Probinsyano na si Eric Pineda,  Jude Mangcuyas na production designer ng GMA-7Father Jerome Secillano na spokesperson ng CBCP, at mga influencer na sina Dave Villanueva, Jerome Sang, friends from the media at iba pa.

Tuwang-tuwa ang lahat nang mag-perform ang mga anak ni Joel at inawit ang So Long, Farewell mula sa pelikulang The Sound of Music.

The road to his 60th at ang hiling lang ni Joel ay ang magpatuloy pa siyang maging malusog para sa mga mahal sa buhay at mga taong tinutulungan niya. 

About Pilar Mateo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …