Saturday , May 11 2024
Boss Toyo Grace Angeles Sassa Dagdag

Boss Toyo wish mabili Lastikman costume ni Vic Sotto  

HINAYANG NA HINAYANG si Boss Toyo na hindi niya nabili ang sports car ni Daniel Padilla

Ito ang inamin sa amin ni Boss Toyo nang makausap sa contract signing niya with Eevor Skin Care Depot (SCD, na pag-aari ni Ms Grace Angeles) bilang partner at ambassador kasama si Sassa Dagdag.

Medyo nagkamali ako kasi hindi ko nabili,” may himig pagsisisi ng sikat na Pinoy Pawnstar owner. “Sayang kikita sana ako. Kasi nga medyo malaki ‘yung puhunan. Hindi ko rin naman kayang bilhin lahat,” katwiran nito. 

Ibinebenta sa halagang P6-M ang sports car ni Daniel na tinawaran niya ng P5.5-M hanggang P5.8-M subalit hindi sila nagkasundo sa presyo.

Ani Boss Toyo, hindi naman kasi siya ganoon kayaman para mabili ang lahat ng mga item na ibinebenta sa kanya. 

Nang matanong kung anong pinakagusto o pangarap niyang mabili? Ang isinagot ng  vlogger/collector, costume ni Vic Sotto na ginamit sa pelikulang Lastikman.

Sobrang idol kasi ni Boss Toyo si Bossing Vic kaya gustong-gusto niyang mabili iyon subalit tila malabo nang mangyari dahil wala raw ang nasabing costume.

Kaya pala mahilig bumili ng mga ganitong bagay ang media influencer ay dahil gusto niyang magtayo ng museum para roon ilagay ang lahat ng collector items na nabili niya kasama na ang trophy na ibinenta sa kanya noon ni Jiro Manio.

Samantala, dahil sa kagustuhang magpakamasa o maging affordable talaga sa masa ng kanyang mga produkto, kinuha ng CEO at founder ng SCD na si Ms. Grace Mangulabnan Angeles si Boss Toyo. Naniniwala kasi siyang malaki ang maitutulong ng mass appeal ng vlogger/collector sa kanyang pitong taon ng kompanya lalo’t hindi lang pang-babae ang kanyang mga skin care kundi para rin sa mga kalalakihan.

Sinabi naman ni Boss Toyo na nahihilig siyang mag-bike kaya kailangan niya ng sunblock para ‘di masira ang skin niya at mag-looking young pa rin sa edad 43. 

Iginiit din nitong bilib siya sa mga produkto ni Ms. Grace kaya nakipag-partner siya rito at the same time eh, ambassador.

At ngayon pa lang, marami silang skin products na ilulunsad na tiyak na magiging favorite at makatutulong sa mga kalalakihan. Kung ano iyon, wait na lang daw natin. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Boobay Aparri Cagayan

Boobay muling inatake habang nagso-show sa Aparri

MULI na namang ikinabahala ng mga nagmamahal kay Boobay ang naging eksena nito sa isang show sa …

Liza Soberano

Liza may pa-sulyap sa kaseksihan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI na naman ikinagulat ng lahat ang mga naglabasang fotos ni Liza …

Bato dela Rosa Jonathan Morales Maricel Soriano

Maricel matapang na sinagot, hinarap mga tanong sa Senado

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NASOPLA na kung nasopla ni Diamond Star Maricel Soriano ang Senate investigation kaugnay …

Wilbert Tolentino Asoka Makeup challenge

Asoka Makeup challenge ni Wilbert Tolentino viral

HINDI nagpakabog ang content creator, influencer, at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup Challenge na trending …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …