Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Caloocan

Suspek sa droga dinakip
PARAK, SIBILYAN KINUYOG NG 8 KELOT  
2 barangay kagawad, Ex-O sabit

PINAGTULUNGAN bugbugin ng walong lalaking kinabibilangan ng dalawang kagawad ng barangay at executive officer (Ex-O) ang isang pulis at kasamang sibilyan nang dakpin ang isang lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City.

Ginagamot sa hindi tinukoy na pagamutan sina P/Cpl. Roger Lagarto, nakatalaga sa Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at sibilyang si Adrian Villagomez, 37 anyos, ng Libis Espina, Brgy. 18, makaraang seryosong mapinsala at nagkasugat-sugat sa ulo, mukha, at buong katawan, batay sa inilabas na medico-legal certificate ng kanilang attending physician.

Kaagad iniutos ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang manhunt operation laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip kina Kagawad Jimmy Marinda, 53 anyos, at Ex-O Ferdinand Basmayor, 43, ng Brgy. 36, kapuwa positibo sa alcohol nang isailalim sa medical examination, habang tinutugis ang isa pang Kagawad na si Renato Rivera, alyas Tisoy, at lima pang lalaki.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta, nagsasagawa ng paniniktik at pagmo-monitor ang mga tauhan ng SDEU sa pangunguna ni P/SSgt. Jason Taguba sa Barangay 36, dakong 11:00 pm nang arestohin ni Cpl. Lagarto at kasamang sibilyan si alyas Joshua na siyang target ng kanilang operasyon matapos mamataan sa kahabaan ng Marulas B St. Brgy, 36.

Nang dadalhin na sa Barangay Hall ang suspek upang isailalim sa imbentaryo ang nakuha sa kanyang ilegal na droga, dito sila hinarang at pinagtulungang gulpihin ng mga lalaki, kabilang ang dalawang barangay kagawad at Ex-O, kahit nagpakilala na si Lagarto na siya’y isang pulis.

Sasampahan ng patong-patong na kasong obstruction of justice, direct assault, at serious physical injuries ang mga barangay official at ang kanilang mga kasama sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …