Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

P.5-M droga timbog sa 2 tulak

DALAWANG tulak ang nahuli sa isinagawang buy-bust operation na may halagang P.5 milyong droga ang nasabat sa mga ito nang matimbog sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Wakwak, 59 anyos. residente  ng Palon St., Brgy. 69 at alyas Jeff, 28 anyos, residente ng Galileo St., Brgy., 185, kapwa ng nasabing lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 72.4 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P492,320.00 at buy -bust money na isang tunay P1,000 bill na may kasamang 17-pirasong P1,000 boodle money.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na unang nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant (rci) tungkol sa illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

Nang positibo ang report, kaagad isinagawa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaresto sa mga suspek dakong 11:20 ng gabi sa Alley 1st Avenue, Brgy., 120 matapos bentahan ng P18,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Art II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa laban sa dalawang suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …