Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP PRO3

5 wanted na pugante sa Central Luzon nasakote

MATAPOS ang mahabang panahon na pagtatago sa batas ay naaresto na rin ang limang indibidwal na tinaguriang most wanted persons sa Region 3 kamakalawa, Pebrero 6.

Sa Bulacan, arestado ng pulisya ang Most Wanted Person (MWP) Rank 5 (Provincial Level) na si Teddy Laorio y Rombayes para sa krimeng Murder at Attempted Murder, gayundin ang MWP Rank 7 (Provincial Level) / Rank 1 (Municipal Level ng Norzagaray) na si James Buscato Jr y Cataluña para sa krimeng Attempted Rape.

Sa Nueva Ecija, arestado ng pulisya si Anthony Dela Rosa y Dela Rosa, MWP Rank 7 (Provincial Level), para sa krimeng Rape samantalang ang mga tauhan ng Zaragoza MPS ay inaresto at ikinalaboso ang isang nagngangalang Virginia Paraton y Gamboa dahil sa paglabag sa 12 bilang ng BP 22.

Arestado rin ng magkasanib na elemento ng pulisya sa Zambales ang MWP Rank 5 (Municipal Level) na si Dennis Antiguo y Bulaton sa bayan ng Masinloc para sa krimeng paglabag sa Sec 5(I) ng RA 9262 (3 counts).

Ipinaabot ni PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr ang kanyang papuri sa operating troops at sinabing: “Ang matagumpay na mga operasyong ito para makulong ang mga MWP ay binibigyang-diin ang walang humpay na pagsisikap ng pulisya upang matiyak na ang mga nagtatagong pugante ay haharap sa mga kahihinatnan ng kanilang mga krimen at bigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan.” (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …