Tuesday , May 6 2025
Bulacan Police PNP

Drug dealer, 6 law offenders sa Bulacan arestado

ARESTADO ang isang drug peddler, isang wanted person at limang law breakers sa sunod-sunod na operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa, Pebrero 3.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nagkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Calumpit Municipal Police Station na nagresulta sa pagkaaresto kay alyas Alex, 52, residente ng Brgy . Palimbang, Calumpit, Bulacan. 

Nasamsam sa operasyon ang isang gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php 6,800.00, iba’t ibang drug paraphernalia, at buy-bust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang ang reklamong kriminal para sa paglabag sa R.A. 9165 laban sa suspek ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte.

Samantala, nagsagawa naman ng manhunt operation ang tracker team ng Bulakan Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Jho, 52, residente ng Brgy. San Jose, Bulakan, Bulacan na may kasong paglabag sa Section 29 ng Real Estate Service Act of the Philippines (RA 964). 

Bukod pa rito, rumesponde ang mga awtoridad ng San Miguel MPS at San Jose Del Monte CPS sa iba’t ibang insidente ng krimen na humantong sa pagkaaresto sa limang (5) law breakers na sina alyas Jericho, alyas Aldrin, at alyas Wilmark, pawang mga residente ng San Miguel, Bulacan, arestado dahil sa Theft (San Miguel MPS), at alyas Edgardo at alyas Evangeline for adultery (SJDM City PS).

Ang mga naarestong suspek at akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station para sa tamang disposisyon.

Ayon kay PD Arnedo, ang tagumpay ng mga operasyong ito ay binibigyang-diin ang kanilang dedikasyon at pagiging epektibo sa paglaban sa mga krimen na may kaugnayan sa droga at pagdakip sa mga nagkasala sa batas. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …