Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maggots Uod

Baho ng Dali ibinunyag ng netizens
CONSUMER NADALE FROZEN CHICKEN MAY UOD SA LOOB

ILANG netizens ang naglabas ng kanilang saloobin at karanasan sa reklamo ng isang consumer na nakabili ng frozen chicken na may uod (maggot) sa Dali, isang convenience store sa Molino, Bacoor City sa  lalawigan ng Cavite.

Ayon sa Facebook page na Pinoy Rap Radio, may isang consumer na nag-post na may uod ang binili n’yang frozen chicken sa nasabing convenience store pero kamakailan lang.

Nag-alala ang netizen dahil hindi siya naging mabusisi noong una kaya inisip niyang naka-consume sila ng chicken na may uod.

Dinagsa ng mga comments ang post ng Pinoy Rap Radio ng iba-ibang karanasan ng mga kustomers sa mga sablay na produktong ibinibenta sa Dali.

Isang netizen ang nagsaad na hindi ligtas ang frozen chicken sa mga convenience store dahil kapag magkauod umano ay hinuhugasan lang at saka muling ibinabalik sa freezer.

Isang netizen mula Batangas ang nagsabing hindi nga maayos ang frozen chicken sa Dali dahil nakabili sila ng luma at maamoy na kaya itinapon na lang nila.

Ayon sa ilang netizens, mura nga ang bilihin sa Dali pero mukhang mapapadali naman ang pagbagsak ng kanilang kalusugan at posibleng ikamatay kapag nalason o nag-diarrhea.

Isa sa mga netizen ang nag-comment na luma na ang isyu pero hindi niya  sinabi kung naresolba o nainspeksiyon ng mga kaukukang ahensiya ng pamahalaan.

Anang netizens, “dapat mainspeksiyon ang mga freezer ng nasabing convenience store dahil baka may nananahan nang mga maggots sa loob nito.

Ayon sa pag-aaral, ang flystrike o myiasis, ay isang kondisyon na ang langaw ay nangingitlog sa balat o body cavities ng manok, at doon napipisa ang larvae na kumakain sa tissues ng manok. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …