Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Nasaan na ang Duterte Magic?

SIPAT
ni Mat Vicencio

ANG bilis ng mga pangyayari, at sa isang iglap, nalantad na lamang si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na wala nang bertud, wala nang galing at maituturing na isa na lamang pangkaraniwang mamamayan.

Walang nangingilag, walang natatakot at maging sino man ay kayang palagan si Digong.

Nagsimula ang lahat nang sibakin ang 2024 proposed confidential funds ni Vice President Sara Duterte na nagkakahalaga ng P650 million na nagresulta para magalit si Digong at tawaging ‘bulok’ ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa ginawang pambabalahura ni Digong sa Kamara, tuluyan nang nalantad ang gera sa pagitan ni House Speaker Martin ‘Tambaloslos’ Romualdez at ng makapangyarihang pamilya ng Duterte.

Mekus-mekus na nga ang nangyaring away ng matitikas na politiko sa Filipinas. Nariyan ang maghain ng House Resolution 1414 ang mga kongresista na kumokondena kay Digong at ang petisyon sa Supreme Court para ideklarang unconstitutional ang ‘secret funds’ ni Sara.

Kasunod nito, lumutang na rin sa Kamara ang usapin ng pagsasampa ng impeachment case laban kay Sara at ang naunang kasong inihain ni ACT Rep. France Castro na grave threat laban kay Digong.

At bukod sa hindi pakikialam ni PBBM sa kaso ni dating Senator Leila De Lima na makapaglagak ng bail para sa pansamantalang kalayaan, marami ang nagulat nang sabihin ng pangulo na pinag-aaralan at ikinokonsidera ng kanyang pamahalaan ang muling pagbabalik ng bansa bilang miyembro ng International Criminal Court o ICC.

Pati si PBBM ay tuluyang kumambiyo at todong kinampihan ang kanyang pinsang si Tambaloslos sa away laban sa mag-amang Sara at Digong.  Kung matatandaan, mismong si PBBM ang nagsabi noong Hulyo na hindi makikipagtulungan ang kanyang pamahalaan sa ICC sa ginagawang imbestigasyon sa war on drugs ng dating administrasyon ni Digong, pero bakit bigla itong bumaligtad?

Parang hilong-talilong si Digong, bugbog sarado at hindi alam kung saan nanggagaling ang bawat suntok na kanyang tinatanggap mula sa mga kakampi at kaalyado ni Tambaloslos. Nabigla si Digong at hindi niya inakala na marami na ang hindi masisindak sa kanyang pananakot at marami na ang pumapalag sa kanya ngayon.

Parang basang sisiw si Digong. Ang dating mabalasik na agila noon, ngayon ay pipit na lang. Sabi nga ni Babalu… wag po, wag po. Hindi po…

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …