Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gomburza Cedrick Juan Enchong Dee Dante Rivero Pepe Diokno

GOMBURZA a must see movie, pang-best picture

ni MARICRIS VALDEZ

GANDANG-GANDA kami sa GomBurZa nang mapanood namin sa star-studded red carpet premiere night sa Gateway Cineplex Cinema 5 noong December 23. 

Ang GomBurza biopic ay ang biggest historical film of the decade at isa sa 10 entries sa 49th Metro Manila Film Festival na nakatitiyak akong kagigiliwan at magugustuhan ng sinumang makakapanood.

Sa totoo lang, hindi kami nainip sa paglalatag ng istorya ng tatlong pari na idinirehe ng internationally-acclaimed director Pepe Diokno. Bawat tagpo ay kinasabikan at tinutukan naming mabuti. Interesting kasi. Magagaling din ang lahat ng aktor na kasama sa pelikula, walang itatapon.

Pero ang napansin namin ay si Cedrick Juan na ngayon lang namin napanood. Ginampanan ni Cedrick ang role bilang si Padre Burgos. At para sa amin, nararapat na ma-nominate siya bilang Best Actor.

Dinaluhan ang highly anticipated premiere night ng main actors nitong sina Enchong Dee, Cedrick Juan, Dante Rivero, alongside Elijah Canlas, Khalil Ramos, Tommy Alejandrino, Jaime Fabregas, Ketchup Eusebio, Epy Quizon, Nanding Josef, Neil Sese, Arnold Reyes, Brian Sy, Carlitos Siguion-Reyna, Ronnie Lazaro, Peewee O’Hara.

Ang pelikula ay ukol sa tatlong paring pinatay dahil sa paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Sila ay binitay noong Pebrero 17, 1872 sa harap ng mga tao.

Magaling din ang ipinakitang akting ni Enchong gayundin si Dante.

Ipinrodyus ang GomBurZa ng JesCom Films at MQuest Ventures ng MediaQuest, in cooperation ng CMB Film Services.

Ang GOMBURZA ay pelikula ukol sa heroic Filipino, ng Filipino, at para sa mga Filipino. Kaya nararapat na isama ninyo sa mga panonoorin ngayong MMFF.

Palabas na ang GomBurza sa mga sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …