Friday , November 22 2024
Vilma Santos Christopher de Leon

Vilma-Boyet walang umay sa  loveteam; Chemistry ‘di nawala

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

RESPETO, friendship, chemistry, professionalism. Ilan ito sa mga bagay na sinabi nina Vilma Santos at Christoher de Leon kung bakit hanggang ngayon o mahigit na sa apat na dekada ang itinatagal ng kanilang loveteam bukod pa sa maganda pa rin ang kanilang samahan.

Sa isinagawang merienda cena with entertainment editors nina Ate Vi at Boyet naibahagi ng dalawa ang mga sikreto kung bakit tumagal ng maraming taon ang kanilang loveteam. 

Pero aminado si Ate Vi na hindi niya rin akalain na hanggang ngayon makagagawa pa sila ni Boyet ng isang pelikulang ang tema ay love story. 

Pero love story na para sa edad namin,” susog agad ni Ate Vi na ang tinutukoy ay ang When I Met You In Tokyo na pinagbibidahan nila ni Boyet at isa sa sampung entries sa Metro Manila Film Festival 2023 na mapapanood na simula December 25 handog ng JG Productions.

“I guess sa experience naman kasi namin ni Yetbo (tawag ni Vi kay Boyet) ang talagang number one sa amin, even before pa is the respect for each other. Kasi even…You know when we did our first movie, ‘Tag-Ulan sa Tag-Araw’ (1975) he was married na eh.  

Hindi pa ako buntis noon kay Lucky, so imagine nagsasama na kami ni Yetbo and  Lucky is 42 now, so ang tagal na. Ganoon iyong haba ng samahan namin ni Yetbo. So, respect sa isa’t isa at the friendship that we had, inalagaan namin iyon. 

“Ang siguro ang pinakamaganda lang sa amin ni Yetbo, I don’t know kung saan nanggaling pero iyong chemistry…naniniwala kasi ako na hindi naman nagagawa iyong chemistry, acting iyon eh, you will feel it eh. Pero sa tagal ko na siyang kakilala, the magic of chemistry that we had, I think up to this day hindi ko alam kung saan nanggagaling, basta kilalang-kilala ko si Yetbo and vice versa. 

“And one thing siguro na malaki rin ang naitulong sa amin is professionalism,” pagbabahagi ni Ate Vi.

“Everytime we do a movie, we do our roles. Ako experience ko kay Yetbo kaya siguro ganoon, kung ano iyong role ko—asawa ko siya, talagang asawa ko siya. Paninindigan ko iyong role ko na asawa ko siya. When we did ‘Relasyon (1982),’ mistress ako talagang immediately magseselos ako ganoon. And dumating kami sa point na the magic of chemistry even the time during ng kay Ishmael Bernal kay direk Laurice Guillen, iniiwan sa amin ni Yetbo ang eksena. ‘Yung sasabihin lang sa amin, improvisation. Kami na bahala gumawa.

“If we don’t have that kind of chemistry hindi namin mabubuo iyong eksena. I don’t know where the magic is coming from up to this day. Nadala namin iyan dito sa ‘When I Met You In Tokyo.’ And it’s the approach what we had is more matured. Na hindi namin alam. Marami rin kaming eksena rito na walang rehearsal,” sabi pa ni Ate Vi. 

Bagamat walang relasyon o hindi nagkagustuhan sina Vilma at Boyet tulad ng ibang loveteam, kitang-kitang ang chemistry sa kanilang dalawa. 

“Maybe because that’s part of professionalism. Like you work on your character and make sure na naroon ka sa character mo. Na you don’t play with the character, you play it seriously. Si Yetbo is such a serious actor also. Kaya everytime he acts ewan ko nasasagot ko siya and vice versa. Tinginan lang namin,” ani Ate Vi.

“One thing what we are grateful and we’re very fortunate…our first movie was with Celso Ad Castillo, then with Elwood Perez, Ishmael Bernal, Marilou Diaz Abaya, Chito Rono, Laurice Guillen, Danny Zialcita…all these topnotch directors, national artists, nakasama namin and we we’re able to do scenes na tinuturuan nila kami how to go about it. And at the same time we have that chemistry iyong sinasabi ni Vi. Na actually nakatutuwa nga Ishmael Bernal told Abaya na ‘you should work with them, you should try work with them.’ Then after that, we did with Abaya, ‘Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan’ (1983) with Eddie Garcia  na he won Best Actor. 

“‘Yung natutunan all throughout these years were all with big time directors. Natuto kami sa kanila na how to be partners, how to be like we we’re in love, fall in love, look out her eyes, look out her face, embrace and I want these, I want that. You know, alam na namin ang mga technic hanggang sa we became accustom to process, siguro nadala namin. And here we are and at the same time, kapag na inlove kayo, with each other, pero kapag nagkaroon kayo ng relasyon, masisira. Kapag nagkaroon kayo ng away, mag+aaway kayo masisira ‘yun loveteam, wala na mag-aaway na,” esplika naman ni Boyet.

At sa tagal na nagsama sa pelikula at nagkatrabaho sina Vilma at Boyet hindi sila na-attract sa isa’t isa. 

“Basta ang nangyayari sa amin, kapag ako libre, si Yetbo hindi. ‘Pag si Yetbo libre, ako hindi. But the thing is inirerespeto nga namin ang isa’t isa. Kapag siya may girlfriend I know where I stand. ‘Pag may girlfriend siya, respeto ko siya. Pero kapag mag-asawa ang role namin, asawa ko siya. Pero after the scene, may girlfriend siya and vice versa,” wika pa ni Ate Vi. 

“Gosh dumadalaw pa iyong mga boyfriend niya (patungkol kay Ate Vi). May eksena kaming lovescene, ano ba ‘yan, pauwiin mo muna ‘yan,” pagbubuking ni Boyet sa isa sa mga maraming ginawa nilang pelikula ni Vilma.

“Ganyan ang pagsasama namin ni Yetbo. Who would think na after more than 40 years, we’re both still here,” natutuwang sabi ni Vilma. 

Amindo naman kapwa sina Vilma at Boyet na imposibleng hindi sila magkagustuhan, subalit, “hindi naman mawawala iyong attraction mo sa isang tao, part ‘yun eh. Hindi mawawala iyon. The thing is binigyan namin ng importansiya ang respeto. Hindi namin ginugulo ang buhay ng isa’t isa. And ‘yung boundaries namin is respeto and ayaw nga namin guluhin ang buhay ng isa’t isa,” ani Vilma. 

Natanong din sina Vilma at Boyet kung wala bang umay factor sa dalas ng kanilang pagsasama? At sagot ni Vilma, “Paano naman ako mauumay modesty aside, pagbalik ko at hindi ako tumakbo sa politika, nagkaroon ako ng time. Ang dami kong offers, but I chose this one (When I Met You In Tokyo). I have three offers, nakausap ko na, naka-meeting ko na. But when I learned that they are trying to get me for Mr. Christopher de Leon, a love story na sa edad namin, ito ang inoohan ko at ito ang ginawa ko. Walang umay, excited nga.”

We made it a point that itong movie na gagawin namin it’s more of a love story about of our age. People our age. I mean ‘yung mga taong just forgot about loving, and just working and you know may mga ganyang situation or never fell in love or whatever. So noong nagustuhan yata niya nagustuhan na niya,” esplika naman ni Boyet.

“When Redgie Magno told to me na kung paano nag-umpisa. Nag-conceptualize muna sina Boyet then they we’re looking na sino gaganap for Azon, Yetbo suggested me. Sinabi ni Redgie na ako ng gusto ni Yetbo. 

“When I learned na si Christopher de Leon, right away, ‘yes gusto ko ‘yan.’ Lalo ko siyang nagustuhan when I learned the synopsis kasi sabi ni Ms Regs it’s a love story pero ‘sa edad ninyo.’ 

“And what happened was, hindi ko pa masyado kakilala ang dalawang direktor. That’s why ako rin ang humingi na si Christopher de Leon ang maging associate director ng movie. Hiniling ko iyon talaga na sana si Christopher de Leon ang maging associate director kasi I feel more comfortable with him. Imagine my perenial loveteam directed me?!” mahabang sabi ni Ate Vi. 

Ang ‘When I Met You’ na kanta ay isinulat nina Jim Paredes and the National Artist Ryan Cayabyad and sang by Danny Javier. If you will listen to the music now, every line ng kanta, that’s the story of When I Met You In Tokyo. Everyline basahin ninyo,” sabi pa nina Ate Vi at Boyet. 

Ang When I Met You In Tokyo ay prodyus ng JG Productions nina Rowena Jamaji, Karishma Gidwani, at Redgie Magno at idinirehe nina Rado Peru at Rommel Penza. Isinulat ni Suzette Doctolero at si Shayne Sarte ang cinematographer. 

Ang pelikulang ukol sa dalawang Overseas Filipino Workers sa Japan ay tampok din bukod kina Vilma at Boyet sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Kakai Bautista, Lyn Cruz at marami pang iba. Mapapanood ito simula December 25 sa mga sinehan. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …