Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Metro Manila Film Festival, MMFF

3 pelikula sa MMFF aani ng kamote

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA totoo lang naaawa kami sa mga producer at mga artista ng mga pelikulang sinasabi nilang magiging bottom holder sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF). Masyado na nga kasing mahal ang admission prices ng mga sinehan kaya kahit na panay ang pakiusap ni Vilma Santos na huwag lang ang pelikula nila ni Christopher de Leon kundi ang mga ibang pelikula pa ay panoorin din palagay namin may gagapang pa ring mga dalawa o tatlong pelikula sa mga kasali sa festival na iyan ang tiyak na maglulupasay sa takilya.

Maraming factors na kailangang isipin. Una napapanahon ba ang mensahe at kuwento ng pelikula? Ikalawa kinakagat pa ba ng publiko ang mga artistang lumalabas sa pelikula mo? Kung hindi ka matunog at hindi talaga isang marketing man baka akala mo sikat ang artista mo pero iyon pala hilahod na ang mga pelikula niyan.

Ang isang artista basta bumababa na ang popularidad hindi ka makatitiyak kung anong klase ng pelikula niyan ang hinahanap ng mga tao. Malamang sa hindi lugi ka, kung mahina na ang artista mo.

Basta sa papasok na MMFF ang hula namin tatlong pelikula ang aani ng kamote at mayroon pa riyang mga dalawa na ang magiging bunga ay kalabasa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …